Ibig Kong Mapag-isa

Ito ang nais na buhay ko ngayon

Photo by Austin Mabe on Unsplash

Natututunan ko nang ibigin
Ang buhay sa tahimik na mundo-
Walang kaibigan,
Walang nakakakilala,
Walang mga mapagmata.

Siguro sa ganitong paraan
Mas mamahalin ko na ang sarili ko.
Mas makikita ko na ang halaga ng mga bagay
Na hindi ko nakikita noon,
Mga bagay na maaari ko nang ibigin ngayon.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--