Ikaw pa rin ang Pag-ibig na Aking Hinahanap-hanap

Ang hindi maiwasang pag-alala

Photo by Everton Vila on Unsplash

May mga bagay tayong inakala noon
Na magtatagal sa mahabang panahon-
Mga bagay na akala natin ay 'di matatapos,
Mga bagay na 'di magbabago
At 'yong mga bagay na akala natin ay 'di masisira.

Ngayon, mga ala-ala na lang ang naiwan.
Mga ala-ala na lang nang nakaraan
Na ang sarap balik-balikan.
Kumusta na kaya 'yong taong kasama ko
Sa mga ala-alang hindi nawawala sa isip ko?

Gusto kitang batiin,
Gusto kitang kumustahin,
Gusto kitang hagkan
Kaso natatakot ako,
Takot na baka makagulo sa mundo mo.

Ikaw pa rin talaga.
Mahal pa rin kita.
Hindi ko alam kung hanggang kailan
Basta ang masasabi ko lang,
Binabaybay palagi ng isip ko ang iyong pangalan.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--