Inang Lalawigan
Bumisita ka man lamang… anak
Uno
Nais kong maghain ng ilang proverbio,
humugot ng wikang handog sa iyo.
Nais kong malasin ang bakas ng progreso,
malayo sa Anluwage ni Jose Protasio.
Dos
Buksan ang kamalayan,
ilang yapak ay sundan,
buhos ng karunungan,
nagluwal ng kahusayan.
Tres
Iring bayang kumalong sa ilang bayani,
iring lalawigang iginapos ng mga hikbi,
iring kanlungan ng ibayong pangarap —
handog ay pagpupugay sa iyong paglingap!
Cuatro
Ngunit. Nasaan?
Ilang anak ay lumisan.
Naudlot ang awitan.
Ang koro ay nagwakas sa gitna ng pagdiriwang.
Bumisita ka man lamang… anak.
This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!
Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com