Kapag Wala Nang Takip ang Bibig

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
1 min readSep 16, 2020
Photo by Yojinka from VectorStock

Magkita tayo sa susunod
na walang takip ang mga bibig,
na nakikilala na ulit ang buong mukha,
na nakadirikit na ulit sa kasama
nang malaya mula sa hindi nakikitang kaaway.
Marami na ang nag-aya;
nasasabik sila sa muling pagkikita,
natatanaw pa ang pag-asa.
Malabo parati ang aking tugon,
“Kung aabot tayo sabukas na ‘yan…”
Natutuliro. Ako ba ay nagpapaalala
na manatili kaming ligtas
o sa isa’t isa,
nagpapaalam na nang maaga.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin