Koleksyon Ng Pang Araw-araw Na Kwento Sa Byahe Ni Drew
Namimiss kong bumyahe
Namimiss kong gumalaw
Namimiss ko lang naman lumibot
At kahit papano namimiss kong maligaw ah
Kay tagal ko nang nababagot sa apat na sulok ng aking kwarto
Di ko naman akalaing aabot ng ganito
Namimiss kong bumyahe
Namimiss kong makabuo ng kwento
At oo, oo, namimiss ko rin yung chismisan ng katabi ko
Huh? Talaga? Di ngaaaa?
Namimiss ko yung mga pang-araw araw na buhay na nakikita ko mula sa bintana ng sinasakyan ko
Kasi sa ngayon, halos parehas na lang yung eksena sa bintana ng aking kwarto
Namimiss ko ang mga pandiwang parte ng pang-araw araw na byahe
Angkas, kandong, talon, kapit, singit, tabe!
Nakalimutan na ata ng dila ko kung ano ba tong mga to
Namimiss kong bumyahe
Tagal pa ba? Anong petsa na?
Pero malapit na malapit na yun, no?
Aangkas, kakandong, tatalon, kakapit, sisingit, at magtatabi tayo ulit!
Andrew Beso is a Manila-based content creator who is exploring different ways of sharing art — whether it be written, spoken, and visualized. His work, aside from being in Medium, can also be seen on Youtube and Instagram. He is currently taking up a master’s in political economy and is using creative expression in discussing social issues.
This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!
Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com