Kung Bakit Ako 3 Beses Nagpa-Graduation Photo

Alam kong matalino naman akong tao, pero aaminin ko, medyo naging tanga ako sa sitwasyong ito.

Andrew Beso
Pluma Manila
9 min readAug 25, 2021

--

Photo by author, Andrew Beso

Sabi nga nila, ‘a picture paints a thousand words.’ Pero paano kung tatlong picture of one stupid decision after another? Well, meron ditong mas malalim at mahabang kwento.

Ako si Andrew, nagtapos ako recently sa master’s degree ko na Political Economy sa University of Asia & the Pacific. Actually, dapat last year pa ‘to. Pero dinelay ko ng isang taon dahil na rin sa kasagsagan ng pandemic nung 2020, at ang hirap ipagsabay ang work, studies, and survival. So I’m sure naiintindihan nyo kung bakit ako excited magpa-graduation portrait para sa araw ng pagtatapos nung August 14, 2021.

Pero yun nga, isa sa mga requirement for clearance is yung mag-submit ng sariling graduation portrait na suot namin yung purple beca of our school. Pero dahil na rin siguro sa sitwasyon ng lockdown, na-overlook kong i-check ang university email address ko at laking gulat ko na I was already one week late sa deadline of submission.

So nagmadali akong pumunta sa Glorietta early July kasi alam ko meron dung photo studio na bukas kahit naka-GCQ. Actually, di nga required na sa photo studio pa namin gawin ‘to. Kahit sa dingding na lang sa bahay, pwede naman daw. Pero bakit ba? Gusto ko nasa studio. Special moment ko ‘to!

So isinabay ko yun sa araw ng pag-grocery ko para 2-in-1 ang byahe at tipid na rin sa pag-Grab. So after doing the groceries, nung pumunta ako sa photo studio na yun sa gitna ng Glorietta complex, laking dismaya ko na wala silang toga as props at ang meron lang sila ay white background, which is completely different sa madalas kong nakikita sa mga usual na backdrops for occasions like this. ‘Di naman ako magpapa-1x1 photo ID. At PHP 400 ang bayad just for that?! Tapos ang sungit pa umasta nung photographer. Ewan ko ba, nasanay siguro ako sa presyuhang PUP kung saan ako nag-college.

Pumasok sa isip ko na maghanap na lang ng ibang photo studio pero yun lang talaga ang bukas sa area na yun. Naisip ko rin na pumunta sa ibang shopping center tulad ng Megamall, pero bukod sa dagdag gastos sa pamasahe, medyo mahirap din iiwan yung groceries sa package counter for that long. Tas babyahe pa ako pabalik? So inisip ko na lang: “Pandemya naman, okay lang siguro kahit walang toga. What matters is naka-graduate ako!”

Photo by author, Andrew Beso

So ito ang una sa tatlo kong graduation portrait. Okay naman di ba? So sinend ko na sa e-mail at nag-apologize ako for late submission. Back then, nakahinga na ako ng maluwag, pero a few days later, na-receive ko ang reply na ‘to:

SHET! Na-taranta na naman ako! Aaminin ko, natempt akong replyan, “Ang arte naman, pwede bang i-flip sideways ko na lang?”

Photo by author, Andrew Beso, flipped

Di ba parehas lang naman? Pwede na yaaaaan!

Pero mas nanaig ang hiya ko dahil una, late ako nag-submit so di ako pwede mag-inarte, at pangalawa, this is coming from a school na nagbigay sa akin scholarship kaya ako nakapag-masters. So ayoko naman babuyin ang school logo.

Photo by author, Andrew Beso

So now I have to do a second graduation portrait. This time, gusto ko maayos na! We all need second chances in life. LOL! Now I can make sure na merong mala-dramatic black background. And so I went to the supposed second option ko nung una kong attempt: Megamall.

Buti naman, maraming mga photo studio ang bukas. The one I first went to, medyo nalula ako sa presyo. Bakit PHP 700 — PHP 1400 ang rate? Gaano ba ka-special ang camera na yan? Pinicturan ko talaga sya para ma-compare ko sa ibang prices ng ibang studios while I’m canvassing. So I said the biggest lie I’ve been telling to sales people for many times in my life: “Babalik ako, mag-withdraw lang ako.”

Naghanap ako ng iba, yung mas mura. At buti naman, for my second portrait, meron akong nakita na tig PHP 300 lang! Sana pala dito na ako pumunta nung pinaka-una pa lang. Well, ayun. ‘Di na naman ako nag-expect sa photo studio na yun — madilim, medyo masikip, at amoy luma. HAHA! This is what you get sa pagiging kuripot, Andrew. And besides, you’re paying for the photo naman, not the pictorial experience! Actually, mas madaling pakisamahan ang mga attendant at photographer dito. Sanay sa walang arteng pakikisalamuha sa tao. I got my picture taken, did some groceries, and after an hour, binalikan ko na.

At nung nakita ko na ang finished product, laking dismaya ko. Bakit ganun?! Bakit parang mas maganda pa ang mga cover ng notebook nung elementary days na sina Marvin Agustin, Bea Alonzo or Judy Ann Santos?! Ito ba kapalit ng pagtitipid?! I gave a fake smile sa mababait na tauhan sa photo studio na yun. Umuwi akong malungkot kasi alam kong the pictures I will submit, is not the best of quality…pero tama naman ang position ng school logo sa left side, so there’s that. Yehey?

Photo by author, Andrew Beso

Sinend ko pa rin yun sa school for the graduation clearance at na-approve naman sya. Inisip ko lang, siguro na-judge ako: “Bakit ganun yung picture nya, naging chaka from the previous one? Nag-downgrade?”

Basta, ang mindset ko: “Pandemya naman, okay lang siguro kahit ganyan kapangit. What matters is naka-graduate ako!”

Tanggap ko na na sa Zoom online graduation, itong photo na to ang lalabas sa Facebook Live. At makikita ng iba kong classmates at mga ka-batch ko. OO NA, OO NA! NAGTIPID AKO, OKAY?!

Photo by author, Andrew Beso

Pero hindi nila alam na pangalawang grad protrait ko na yan! Doble na gastos ko for that, kasama na transportation and groceries!

Hindi talaga ako mapakali. And honestly, ayokong ito yung picture na ipopost ko sa Facebook. Gumgraduate ako sa isa sa mga elite schools sa Pinas, tas gan’to picture ko? Call it vanity, ego, and pride…pero may hugot ako dito.

So, for the third time around, a week after, nagpa-picture ako ulit. Oh di ba, ginawang photo shoot ang graduation portrait? And this time, HINDI. AKO. MAGTITIPID! I will have to pay for the quality I wanted. And guess what, bumalik ako dun sa una kong nilapitan sa Megamall na pricey.

Pumasok ako dun, at wala nang tanung-tanong kung magkano. “Ate, gusto ko yang package na yan! Magpapapicture ako!”

And I was very happy with the turnout. Ang ganda ng quality ng hindi tinipid. Gan’to pala ang feeling na di mo na kailangang tingnan ang price tag. Basta nagustuhan mo ang itsura ng bibilhin mo, check out na kaagad!

Photo by author, Andrew Beso

Ito! Itong 3rd portrait na to ang ia-upload ko sa Facebook at ipapa-frame ko. Wala akong pake kung pangit ang lalabas sa online graduation with my 2nd photo.

Kung sa 1000 word count ng unang bahagi ng kwentong ito, nakapagbigay ako ng context sa kung bakit ako tatlong beses nag-pagraduation portrait, gusto ko naman idadag ang dahilan kung bakit ako may obsession na magkaroon ng maayos na picture na may toga on my graduation.

Kasi a few years ago, taong 2013, nung grumraduate ako sa kursong BS Economics sa PUP, hindi ako nagkaroon ng maayos na graduation portrait. Nagpapicture ako, oo. Pero never ko na-claim yung actual photo. And the only reason for that is hindi ko afford. The only thing that I can do at that time is picturan na lang sa computer screen ng photo studio yung raw shots ko. Makikita nyo yan yung picture na inupload ko sa Facebook eight years ago.

Photo by author, Andrew Beso

Makukwento ng mahabang caption ko ang hirap na pinagdaanan ko sa PUP, lalong lalo na sa huling taon ko. Akala ko hindi ako makakagraduate because of financial constraints. At sa mismong dahilan ng problema sa pera, never ko naclaim yung actual grad photo package na yun.

Dumaan ang ilang buwan after kong naka-graduate sa PUP, ako ay nagkaroon ng unang trabaho, at nagkasahod. May pera na naman ako at kaya ko na namang bayaran at ma-claim yung package, pero lagi kong dine-deprioritize kasi picture lang naman yun. Mas importante ang groceries, ang Meralco bill, ang renta ng apartment. Laging merong mas mahalaga kaysa sa graduation picture na yun. At lumipas ang taon at tinanggap ko na lang na di ko na makukuha yun.

Ganun naman siguro ang buhay ng hindi mayaman na gusto lang naman makaahon. Kung may pera ka, mas uunahin mo kung ano ang makakasagot sa kumakalam na sikmura kesa sa ibang bagay. Kung may option kang makatipid, mas uunahin at pipiliin mo yun. At may mga bagay kang magagawa, mga desisyong kukunin, na sa mata ng iba, mukhang tanga. Pero di nila maiintindihan yung kwento sa likod ng mga yun.

Bibilhin ang bagong modelo ng cellphone kahit di pasok sa budget?
Magpapabirthday party para sa anak kahit uutangin ang gastos?
Tatanggapin ang PHP 500 para sa isang boto sa kandidato?
Lalabas pa rin para magtrabaho kahit may pandemya?

Hindi ko sinasabing laging tama at rasyonal ang mga desisyon ng mga taong ito. Pero malalaman lang natin ang kwento kung kikilalanin natin kung sino ba talaga sila. Medyo gets ko kasi nanggaling ako dito.

At kapag ikaw ay naka-angat-angat na sa buhay, ibang level of happiness naman ang mararamdaman mo pag nagkaroon ka ng konting kalayaan na maging choosy, maging maarte, at maghanap ng options. Kasi dati, walang-wala ‘to sa vocabulary mo.

Pero may mga panahon talagang di mo matatanggal sa sistema mo ang pagiging kuripot…or a euphemism for it is “practical.” Lalabas at lalabas talaga sya ‘no? Kasi nga naman, matagal-tagal ka ring kinailangang maging ganun. Actually, mas okay nga ‘yon kesa sa makalimot kung saan ka nanggaling. Kaya siguro humantong pa ako sa pag-triple ng gastos para lang sa graduation portrait na yan. Sa loob ko, naglalaban ang kuripot na Andrew at ang naka-angat-angat sa buhay na Andrew.

Kung tutuusin, pwede naman ako makuntento sa photo #2, ‘di ba? Or kung di issue ang pera, pwedeng dumiretso na lang ako sa sosyal na photo studio. Tapos!

Pero ‘pag na-experience mo na ang social mobility, mas lalawak na ang tingin mo sa value ng mga pinag-gagastusan mo. Hindi na lang sa dahil nakakabusog o makaka-tulong sa everyday life mo o dahil makaka-fulfill ka ng school requirement. Pipiliin mo ‘to sa simpleng kadahilanang may ibang happiness na nabibigay ‘to na hindi maiintindihan ng iba.

Kaya ako tatlong beses nag-pagraduation photo. Ang dami kong kailangan i-consider one photo after another. Pero lahat ng mga yun, ang puno’t dulo lang naman ay gusto ko lang maging masaya, dahil minsan kong ipinagdamot sa sarili ko yun. Hindi dahil ginusto ko, kung di dahil sa sitwasyong meron ako. At ito, nakuha ko na, pinili ko maging masaya…for the third time around.

Andrew Beso is a Manila-based content creator who is exploring different ways of sharing art — whether it be written, spoken, and visualized. Aside from being in Medium, his work can also be seen on Youtube, Instagram, and Tiktok.

He is using his undergraduate and master’s degree in Economics and Political Economy, respectively, in discussing social issues through creative expressions.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

Andrew Beso
Pluma Manila

𝕊𝕠𝕔𝕚𝕖𝕥𝕪 | ℂ𝕣𝕖𝕒𝕥𝕚𝕧𝕚𝕥𝕪 — —bio.bar/andrewbeso