Malabo na ang Dating Liwanag

Sa pagsubok tayo minsan nadadapa

Photo by Joanna Nix-Walkup on Unsplash

Patawad.
Matagal akong nawala.
Napagod lang ang sarili ko.
Napagod sa paghahanap sa dating ako.

Tipong kahit masagad ako sa problema
Nagagawa ko pa ring ngumiti,
Maging masaya't lumalaban.
'Yong ako na laging nagpapatuloy.

Ngunit ngayon, uhaw na uhaw na ko.
Hindi ko na matanaw 'yong pag-asa
Na dating hawak-hawak ko.
Pagod na ko.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--