Malungkot na Posibilidad

Maria Coquilla
Pluma Manila
Published in
1 min readApr 19, 2022
Photo by Velizar Ivanov on Unsplash

Hindi kapwa ang ating kalaban
Mali lang ang pananaw ng karamihan
Nabighani lang sa salita ng mapalinlang
Napaniwala sa balat ng kasinungalingan
Nahikayat sa kapaligirang kinagisnan
Biktima ng binagong kasaysayan

Kaya katotohanan ay tinatanggihan
Mga katibayan ay pilit ayaw paniwalaan
May pagkiling nga raw librong naglalaman ng nakaraan
Bahagi lang raw ng planong isasakatuparan
Kaya idinidiin na puro paninira galing sa kabilang kalipunan

Ngunit diba iisa lang ang ating nais patunguhan
Ang maangat sa kahirapan
Ang makilala ang bawat karapatan
Ang mabuhay na may kapayapaan
Ang kabutihang para sa bayan

Subalit sa kabila rin ng ilang seryeng pagwawasto ang pinapakain
Dahil nga hindi tinatanggap at pilit na tinatanggihan
Baka layunin ng mga mamamayan ay hindi makakamtan
Hindi mainam ang haharapin ng bayan
Manganganib ang kinabukasan

Dahil kahit sa loob lang ng anim na taon uupo sa makapangyarihang upuan
Marami ang posibleng magaganap
Baka iba pa nga ang ating makakamtan
Baka ating makakapa ang sahig ng karagatan
Mararating natin sa ilang dekadang pananatili sa asul na katubigan
Kung saan tayo ay palalim na palalim na lumulubog sa utang

--

--