Open Letter Para Sa Mga Paid Trolls

Andrew Beso
Pluma Manila
Published in
3 min readJan 24, 2022

Dear mga trolls,

Photo by Stillness InMotion on Unsplash

Matagal na naming ramdam presensya nyo. I mean, magpapakatotoo lang ah, nakakapang-init ng dugo minsan yung mga galawan nyo. Mula sa harsh comments, edited photos, and spliced videos, mga fake news–kitang kita namin ang lahat ng ginagawa nyo.

Bibigay ko na to sa inyo, sobrang committed nyong empleyado.

…which makes me think, mukhang kailangan na kailangan nyo ang trabahong ‘to.

Pero naniniwala pa rin ako na walang tao ang gugustuhing magsalita ng puro mura at pangungutya — 8 hours a day, 5 days a week! Wala naman sigurong proud sa work na ang job description ay siraan at gawan ng malisyosong kwento ang isang inosenteng tao, na walang ginawa kung ‘di maglingkod lang nang maayos.

Walang ganun.

Alam ko, hindi ka ganun.

Hindi mo gusto maging troll.

Pero sa kinalalagyan mo, kailangan, wala kang choice.

Pero sana…habang tinatype mo nang walang emosyon sa mukha mo, yung mga salitang “bobo,” “lutang,”, o “walang namang ginawa yan eh”…sana alalahanin mo kung bakit ka nalagay sa sitwasyon na yan. Kung bakit ka napilitan kunin ang troll bilang trabaho.

Philippine Daily Inquirer

Napabayaan tayong lahat ng gobyerno, at may mga iilan na mas hirap makaahon, kaysa sa iba…kaya kukunin at kukunin ang trabaho na makakapaglagay ng pagkain sa mesa.

Sa pagkakabaon ng bansa sa utang, sa krisis pang ekonomiya, sa pandemya…lahat naman ‘to nangyari kasi may malaking pagkukulang ang gobyeryno.

Gobyerno! Mga maling taong nalagay sa pwesto.

Na kung maayos lang sana ang nahalal natin dati, hindi aabot ng ganto katagal ang mga krisis na ’to. Hindi ka sana mapipilitan sa isang toxic na trabaho.

Hindi ko sasabihing, mag-quit ka na dyan, look for another job…kasi kung may choice ka lang na maayos, matagal mo nang ginawa yun.

Kaya ito na lang ang suggestion ko. On your free time, tulungan mo kaming mailagay ang mga tamang tao sa gobyerno. Oo, ikaw, isang working troll. Kasi tulad ko, at nang marami pang ibang Pilipino, na may trabaho, nag-aaral, may negosyo, naglalaan kami ng oras para magvolunteer sa kampanya ni Leni at Kiko. So pagkatapos ng shift mo, o sa rest day mo, pwede ka sumama sa ground campaign.

Philippine Star | Andy Zapata Jr.

O kaya, ‘wag na tayo lalayo! Since alam na alam mo ang galawan sa social media at mga algorithm, pwede kang gumawa ng other account to secretly support mga Kakampinks

Sino ba nagsabing kailangan nakakulong ka lang sa iyong trabaho?

Tandaan: Ang pagiging troll mo ay hindi depinisyon ng iyong buong pagkatao. ‘Wag kang pumayag na itong trabahong ‘to ang iyong pagkakakilanlan.

Kasi magkakaiba man tayo ng linya ng trabaho, pare-parehas tayong Pilipino.

At pag nailagay na natin si Leni at Kiko sa pwesto, pati na rin ang iba nilang kandidato, ikaw, troll, makakalaya ka na sa trabaho mo.

So teka, alam ko important to sa inyo, pero kung kailangan mo ng engagement, sa baba, pwede ka magcomment, at rereplyan ka namin.

We gotchu!

Nagmamahal,

Kakampinks 💗

--

--

Andrew Beso
Pluma Manila

𝕊𝕠𝕔𝕚𝕖𝕥𝕪 | ℂ𝕣𝕖𝕒𝕥𝕚𝕧𝕚𝕥𝕪 — —bio.bar/andrewbeso