Paalam
Published in
Apr 22, 2022
Paalam -
katagang kapag aking binibigkas
hindi ko alam ang aking mararamdaman,
mapapanatag ba ako o masasaktan.
mapapanatag nang dahil sa wakas
wala nang mabigat na bagahe
na nakapaloob sa aking dibdib
na pilit kong nilalabas, o
masasaktan dahil araw-araw na mangungulila
sa iyong presensya habang nagtataka
kung ako nga ba ay kawalan,
kasabay ng aking pamamaalam.