Pangalan Mo ay Naging Numero

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
Oct 21, 2020
Illustration by Celia Jacobs via The New York Times

Sa isang iglap pangalan mo ay naging numero;
Nag-aabang ako ng ulat
na parang nag-aabang ako sa loterya,
ngunit buhay mo ang nakasugal.
Namuti na ang mata ko, hindi ka pa raw magaling.
Wala pa ring resulta ang pagsusuri sa aking dugo.
Ni hindi ko malagyan ng salapi ang bulsa
nang hindi ako nagbabayad
sa paniningil ng diskriminasyon.
Nakahiwalay ako sa mga tao
at ang tanging lumalapit ay pagkabalisa,
nauuna nang maghukay ng libingan;
Bawat patak ng segundong tinatawag ko ang mga santo
—paano kung habang dinadalangin kong mabawi mo ang lakas—
noong nakaraang araw ka pa pala binawian ng buhay?

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin