Patawad, Paalam, Salamat

Shai Nicolas
Pluma Manila
Published in
1 min readJul 9, 2020
Photo Courtesy of Pinterest

Patawad kung hindi napigilan tumibok ang puso sa maling tao
Patawad sa mga inindang sakit na paulit ulit gumuhit,
Patawad kung hinayaan pa rin mabasag ang puso,
Kahit nasulyapan na ang dulo
Na hindi sya ang nakatadhana para sa’yo.

Paalam sa damdamin na hindi mo naamin
Paalam sa damdamin na tinangay na ng hangin
Paalam sa bawat pagpatak ng luha
At sa mga salitang idinaan nalang sa isang pyesa

Salamat dahil pinili mong lumaya
Salamat dahil pinili mong hayaan ang panahon sa paghilom ng basag mong puso
Salamat dahil handa ka ng muling harapin ang bagong kabanata.

Patawad
Paalam
Salamat,

Malaya kana.

Inspired by “Patawad, Paalam” — Moira Dela Torre xI belong to the Zoo

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--