Sana Naaalala Mo ang mga Salitang Dati ay Binitawan Mo

Photo by Riz Mooney on Unsplash

Naalala mo ba 'yong sinabi mo
Na iingatan mo ko?
Mamahalin na parang ako na lang
'Yong huling tao sa mundo.

'Yong wala kang pipiliin na iba,
Ako lang hanggang dulo.
'Yong sasamahan mo ko
Kahit pa may sumalubong na bagyo.

Gan'yang mga salita,
Naaalala mo pa ba?
O baka limot mo na rin
Katulad nang paglimot mo sa akin.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--