Sino Ang Tunay Na May Hawak Ng Kapangyarihan?

Maria Coquilla
Pluma Manila
Published in
2 min readSep 16, 2021
Photo by Nhia Moua on Unsplash

Pinapagalitan ang sarili kung
bakit hindi magawang sundin ang
manuskriptong likha sa kawalan

Napapagtantong ang aksyong
ginagawa ay sinasalungat ang
planong nabuo ng namamahala

Tila may nag-uutos sa kaloob-looban
na putukin ang mga bulang
naglalaman ng balangkas

Kaya ay hindi muna naaatupag
ang hangaring maghiganti at
mahagis ang brahang tatak ay
naghahabulang dalawang palaso

Ililimot na lamang ang bigong plano
at sa susunod na pagtitig sa
hangin na lamang isispin kung
ano ang isusunod na hakbang

Salitang binibitawan ng labi
ay kinokontra ng tinig sa
isipang gumagala

Ngunit sa kaloob-looban ay
pinaputukan na ng murang resulta ng galit
Hindi binibigyan ng permiso ang
tagapagsalita na maging matipid
sa lumalabas sa bibig at samahan
ng mababang boses

Dahil palagi pa ring lumilitaw ang
boses ng batang mausisa sa nagaganap,
pinapakitang may malasakit sa nakaraan

Hindi pinapayagan ng mata na
maging yelo ang pagtingin sa harapan
Na tila nais ipabatid na walang
pakialam ang hinarap ng kapwa

Kahit nais nang paikutin ang dalawang
bolang taglay ay pagtanaw sa nakapalibot
Ay hindi pa rin magawa sapagkat
pinapangalagaan ang pangalan

Siguro lahat ng ito ay possible
sapagkat maaaring natunaw na
ang utak sa tinitinig ng dakong loob
Kaya base sa mga pagtantong nakatala, sino
ba ang tunay na namamahala?

Sino ang nagtaglay ng kapangyarihang
makapasunod sa mga bahagi ng lupon
May nakakahigit nga ba sa kilalang
nagkokontrol sa ibaba at sa labas na anyo
O nagpapakumbaba lamang upang hindi
tuluyang balewalain ng ibang parte ng katawan

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--