Sino ka?

Ang paghahanap sa nawalang identity ng Pilipino

Othniel Lagablab
Pluma Manila
2 min readDec 21, 2019

--

Art piece in photo from etsy.com

Isa.
Sino’ng nagsabing isa kang lower class na citizen?
Ano sa kanila kung ang kulay mo ay kayumanggi?
Ano sa kanila kung ang ilong mo ay pango?
Ano sa kanila kung ikaw ay may kulot na buhok?
Kung ang mata mo ay hindi kulay asul?
Avengers ba sila at ikaw ay yung taong kailangang laging nililigtas sa mga pelikula?
Full-blooded ba sila at ikaw ay isang Muggle?
Kalahi ba nila sina Edward Cullen at Percy Jackson, at isa ka lamang normal na tauhan sa mga libro?
May supreme race ba?
WALA.

Dalawa.
Tama ba ang aking nauulinigan?
Tama ba ang aking nasasaksihan?
Na mismong ang iyong mga kaibigan, kababayan ang nagdadala ng ganiyang uri ng pananaw?
Na mismong inyong pamilya, guro, kaopisina — sila mismo ang nagbubuhat ng ganyang klaseng mataas na bangko?
Na mismong ang mga taong dapat na nagpoproketa sa iyo mula sa ganitong ideolohiya ang siyang nagdidiin at nagdidildil ng isang kaisipang malayo sa realidad ng humanidad.
Isang kalokohan!

Tatlo.
Habang patuloy mong tinatangkilik ang bagong produktong pampaganda,
habang patuloy mong pinapuputing pilit ang kutis ng iyong balat,
habang patuloy mong pinapayagan ang mga dayuhan na haplusin ang iyong katawan,
ay unti-unti ka nilang binabago at ginagawang kamukha nila…
hanggang sa malimutan mo kung sino ka;
hanggang sa iwaksi mo na ang katauhan at natural na disenyong pagkakalikha sa iyo;
hanggang sa tuluyang maglaho ang pagsinta mo sa Inang bayan — sa iyong sinilangang bayan.
Ngayon, ang tanong kaibigan, kababayan, katoto:
SINO KA?

See spoken poetry on Youtube: https://youtu.be/KEYisl76_CM

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

Othniel Lagablab
Pluma Manila

Filipino | Poet | Scrum Master — To impart good character, creativity, and wisdom to help people increase in value so they can add value to others in return.