Sumasahod pa rin Ako ng Limangdaan

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
1 min readOct 11, 2020
Photo by Philstar on Twitter

Tuloy pa rin ang trabaho;
Sa umaga, sasagutin ang mga hinaing
ng pitong tiyan sa nakahaing tubig sa mesa.
Sa tanghali, magbibilang
magkano na ang kabuuang utang?
Sa gabi, uuwing pawisan
ang utak sa higaan.
Papasok ulit bukas;
Maghahanap muli ng buhay
sa kawalan ng kabuhayan.
Sasahod ng limangdaan—
Sasahurin ang baba
ng suporta ng pamahalaan.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin