Sunog ang Kilay, Lapnos ang Balat

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
1 min readSep 16, 2020
Photo from Nation’s Press

Nabubulol ang aming guro
kaya nagtaas ako ng kamay.
Dati ay para sumagot sa klase,
ngayon ay upang matiyempuhan—
Saan ba mas malakas ang signal?
Dati ay sa una, gitna o huling hanay nauupo;
Ngayon ay paikut-ikot na sa nayon,
nasa tuktok pa pala ng bundok ang bangko.
Pumapasok kami sa selpon,
lumalabas sa tainga ang itinuturo.
Madalas pang nahuhuli o hindi umaabot.
Pawang markang bilog,
nakukuha namin sa pagsusulit.

Pasang-awa ang ganitong daloy ng pag-aaral;
Pilit ipinapasa kahit bagsak ito sa masa.
Tatlong pares pa ng kilay ang susunugin,
ang mapeklat na balat ni Itay,
unang linggo pa lamang ng pasukan,
nalalapnos na naman.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin