Photo courtesy of Jafe Castada

Tayo man o Hindi sa Huli

Shai Nicolas
Pluma Manila
Published in
1 min readJul 6, 2020

--

Kinumbinsi ko ang sarili
na baka nawalan lang ng gana ang tadhana
sa kwento nating dalawa.
Pero hindi,
tayo pala mismo ang pumili
na limutin ang isa’t isa.
Ang mga salitang “mahal kita”
ay nagmistulang abo
sa paglipas ng panahon.
Tayo mismo,
ang pumili na i-tama ang bawat pagkakamali
sa mga sandaling pinilit ang “hindi sigurado”
Tayo mismo,
ang nagdesisyon na hindi na masundan ng mga
masasakit na alaala
upang sa muli nating pagkikita
hindi sakit ang madarama
walang pag – iwas ng mga mata ang magaganap
kundi pagtanggap
nang may ngiti sa mga labi
sa pinili nating desisyon
tayo man o hindi sa huli.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--