Ubos na ang Dagtum na Tinta

Ang huling tuldok sa huling pahina

Photo by Nicolas Thomas on Unsplash

Handa kong lunurin ang sarili ko
Makita ko lang ang halaga na hinahanap ko.
Maaaring sa paraan na 'to
Maging malaya muli ang katulad ko.

Ngunit may kapalit ang kagustuhan kong ito.
'Di ito katulad noon o katulad sa dati
Na may kakayahan akong tumapak sa mundo.
Baka dito, wala na.

Ito na siguro ang huling pagkakataon ko.
Maaari ko 'tong pagsisihan o maaaring hindi
Pero kahit na anong mangyari,
Ito pa rin ang aking pipiliin.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--