Ulan

Ang tula mula sa mga salitang binuo nina Jooliyah at Dagtum sa biglaang paraan nang dugtungan

Photo by Kelly Sikkema on Unsplash

Ramdam ko ang katahimikan
Sa pagdating ng aking kaibigan.
Sa iba, maaaring maingay siya
Pero sa akin, katahimikan ang dulot niya.

Magkasama, sinasalubong namin ang lungkot.
Magkasama, niyayakap namin ang bangungot.
Kaya naman sa pag-agos ng tubig sa aking mukha,
Siya ring pagpatak ng kaniyang mga luha.

- Dagtum

Mga luhang pahiwatig ng tunay na damdamin.
Mga pintig ng pusong pilit inilihim.
Gaya ng ulap na nagkubkob at naglilim
Sa dating sinag na ngayo'y nagdilim.

Sa pagpatak ng tubig at pagdampi sa lupa.
Hayaan mong samahan kita at punasan ang iyong luha.
Ulan, may malakas na bumuhos sa lupa.
Hintayin natin ang bahaghari kapag bagyo'y humupa.

- Jooliyah

Ang bahagharing ito ang siyang magsisilbing liwanag
Sa mundo nating maingay at hindi mapanatag.
Ito ang simbolo sa pagbabago natin at pagbangon
Sa mga lungkot na dulot nang kahapon.

Kaya naman ngayon ay pakinggan muna natin ang isa't isa
Dahil ang mga tunog sa lupa na dala mo'y tanda ng pagod nating dalawa.
Ito rin ang magdudulot nang ingay na tatawag sa ating bahaghari,
Ang bahaghari na bubuo sa mundo na tayo ang nagmamay-ari.

- Dagtum

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If youโ€™re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--