Walang Plato sa Lababo

kalahatingpapel
Pluma Manila
Published in
1 min readSep 16, 2020
Photo by Josef Reiter from iStock

Madalas wala akong ganang lasapin ang buhay sa hapag;
Sa almusal, tanging laway ang iniinom.
Sa tanghalian, tanging mga responsibilidad
ang sumisimot sa bawat butil ng aking lakas.
Sa hapunan, tanging pagod ang ngumunguya.
Kapag nanginginig na ang mga kamay at labi,
Kapag sumakit na ang ulo,
Kapag dumilim na ang paningin,
saka pa lang mag-iinit ng pagkain.
Didighay sa ikatlong subo,
konsiyensiya ang masasandok sa kaserola;
Dalawang bituka pa sana ang mabubusog.

Natikman ko na ang asim, tamis, pait alat at tabang;
Nasusuka na ako kasusubok timplahin ang sarap.
Samantalang silang ang mga dila
ay laging nalalasahan ang gutom,
tatlong beses isang araw hanggang tikhim lang.
Kung maaari ko lang sanang ipamigay ang aking kusina,
hindi siguro ito mabubulok.

This article is published by Pluma Manila, a Creative Platform for Everything Filipino. If you’re Filipino or Pinoy at heart, Be part of our team and share your craft with us. Maraming Salamat!

Write for us! Send us an Email: plumamanila@gmail.com

--

--

kalahatingpapel
Pluma Manila

sinisikap lumingon sa kaliwa't kanan, loob at labas, ibaba't itaas, at layo't lapit ng tanawin