Ang Iba’t Ibang Paraan ng Paggamit ng Power Ledger Platform
Sa pagtatapos ng itinuturing naming transformative na taong 2017, hindi na kami makapaghintay na simulan ang aming 2018 dito sa Power Ledger. Ang aming matagumpay na ICO at ang suportang ibinibigay ng aming token holders ay inihanda kami para harapin ang pinaniniwalaan naming maging napakamatagumpay na susunod na 12 buwan.
Marami pa ang nakatakdang magbago sa taong ito, ngunit bago ito mangyari, naisip naming magiging kapakipakinabang kung aming ilalahad ang ilan sa iba’t ibang paraan kung paano ginagamit ang Power Ledger.
Microgrids
Ang microgrids ay nagbibigay ng matatag, renewable, at localized na energy supplies sa mga komunidad na piniling gamitin ang mga ito. Binibigyan ng microgrids ang mga komunidad ng access sa mga benipisyo ng mga ito nang hindi nangangailangan ng access sa malaking upfront capital na maaari nilang hingin.
Ang Power Ledger platform ay maaaring gamitin para suportahan ang Microgrids, tulad na lamang ng sa pinakakilala naming live example: ang aming partnership with Tech Mahindra sa India. Ang Power Ledger ay ginagamit sa buong Tech Mahindra campuses sa India kung saan ang consumer data ay ginagamit upang patunayan ang accuracy at security ng trading platform.
Village-To-Village Trading
Tulad ng microgrids, ang village-to-village trading ay isa pang paraan kung saan ang mga komunidad ay maaring magsimulang mangalakal ng enerhiya mula sa single grids patungo sa sistemang peer-to-peer trading. Sa pamamagitan ng paggamit ng renewable energy assets, maaaring mag-generate ang villages ng lahat ng enerhiyang kinakailangan nila.
Ang sobrang enerhiya ay maaari ring ikalakal sa ibang villages na nangangailangan ng karagdagan, marahil dahil hindi nila kayang mag-generate nang sapat o dahil gusto nilang ma-access ang alternative supplier sa main grid. Ang platform ng Power Ledger ay maaaring gawing posible ang trading na ito habang itinatala ang ownership at mga transaksyon sa immutable na blockchain.
Strata Developments & Apartment Blocks
Ang strata developments, na sumasaklaw sa individual ownership ng isang ari-arian sa loob ng mas malaking complex tulad ng apartment block, ay sakop ang mahalagang bahagi ng housing stock sa mga bansang tulad ng Australia. Gayunpaman, kahit sagana sa init ng araw ang bansa, kaunti pa rin ang nagagawang sulitin ang paglikha ng renewable energy assets tulad ng solar panels upang gumawa ng enerhiyang kailangan nila.
Ngunit ito ay nagbabago na dahil mas maraming na ang nakakakita ng mga benepisyo ng pag-produce ng renewable energy para sa kanilang mga sarili, at ang Power Ledger platform ay maaaring gamitin upang pangasiwaan ang proseso ng generation at trading. Sat White Gum Valley sa Western Australia, ang Power Ledger platform ay magbibigay ng pagkakataon sa mga residente at property managers na maglaan ng grid-supplied energy pati na rin ng energy na na-generate on-site sa pamamagitan ng embedded network na umiiral doon.
Electric Vehicles
Tulad ng kakayahan ng Strata building na i-incorporate ang renewable energy assets para mag-generate ng power na gagamitin on site o ikakalakal sa iba, maaari rin silang magkaroon ng gagampanang papel sa ibang aspeto ng green economy sa pamamagitan ng electric vehicles. Specifically, ang electric vehicle charging units na incorporated sa Strata developments ay maaaring gumamit ng enerhia mula sa solar panels para mag-charge ng electric vehicles, na nagbabayad para sa kanilang paggamit.
Ang energy trading platform ng Power Ledger ay maaaring gamitin sa sitwasyong ito para pangasiwaan ang buong end-to-end process ng energy generation, usage, trading, at sale sa pamamagitan ng charging points. Sa ganitong paraan, makapagbibigay ang Power Ledger ng alternatibong mapagkukunan ng kita para sa mga komunidad na gustong mag-supply ng renewable energy.
Asset Germination
Ang asset germination ay ang proseso kung saan ang mga indibidwal ay maaaring mamuhunan sa renewable energy assets, tulad ng solar farms, microgrids, o batteries. Habang tumataas ang interes sa renewable energy, ang mga indibidwal na hindi kayang bumili ng ganitong uri ng imprastraktura ay maaaring gumamit ng asset germination events para bumili ng stake. Sa ganitong paraan, maaari rin silang magbenepisyo mula sa revenue o kita sa pag-trade ng na-generate na enerhiya.
Ang Power Ledger platform ay ang perpektong solusyon para sa ganitong mga kaganapan dahil sa pagiging immutable ng records sa blockchain, kung saan ang ownership o pagmamay-ari ay ligtas na naitatala kasabay din ang anumang kaugnay na transaksyunal na impormasyon.

