Bakit Kailangan ng Tokens ng Power Ledger?

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
4 min readAug 30, 2018

Napagtanto namin kamakailan na kahit malinaw sa aming mga taga-Power Ledger kung bakit kailangan ang tokens sa pangangasiwa ng Ecosystem, maaaring hindi ito ganoon kalinaw para sa ibang tao. Dahil dito, nagbalangkas kami ng maiksing paliwanag kung bakit kinakailangan ang POWR tokens para magkaroon ng energy application platform sa blockchain.

Global Interoperability

Ang POWR tokens ng Power Ledger ay dinisenyo upang makalikha ng platapormang interoperable applications sa halip na lumikha ng isang business model na pumupuntirya sa iisang merkado lamang.

Kung nagdesisyon ang Power Ledger na gumamit ng blockchain technology para lamang sa isang ligtas, mabilis, at malinaw na database para plantsahin ang mga transaksyong pang-enerhiya, lilikha ito ng maraming mga limitasyon kung susubukan naming magpalawak sa buong mundo. Bago namin isama ang aming ERC20 token — POWR — sa aming Ecosystem, gumagamit lamang kami ng Sparkz, isang token na naka-peg sa pinakamababang denominasyon ng local currency. Ang isang mahusay na modelong titiyak sa pabagu-bagong katangian ng cryptocurrency ay hindi makahahadlang sa kita mula sa pagbenta ng surplus o sobrang enerhiya. Ngunit hindi ito kakayanin ng Sparkz para sa Ecosystem ng global energy applications. Paano namin iko-convert ang Sparkz mula sa isang bansa papunta sa susunod? Kakailanganin ba naming magkaroon ng magkakaibang token para sa magkakaibang bansa?

Ang POWR tokens ay maaaring i-transfer mula sa isang border patungo sa iba pa at i-convert sa Sparkz sa lokal na merkado. Maaari rin silang gamitin sa buong Power Ledger Platform Applications.

Programmable Money

Ang isang magandang ilustrasyon ng interoperability benefits ng POWR tokens permit ay maaaring ipakita sa pamamagitan ng paggamit ng aming Asset Germination Events (AGEs). Walang papel para sa Sparkz, tokenized electricity transactions, dito. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ERC20 token, maaari naming pahintulutan ang contribution mula sa buong mundo papunta sa crowd-fund renewable energy assets. Binibigyan namin ng pagkakataong manguna ang POWR holders sa mga ganitong pangyayari.

Imbes na gumawa ng medium para mamuhunan ang institutional investors sa mabilis na pagbaba ng halaga ng renewable energy generation, maaari naming siguraduhing makikinabang sa rebolusyong ito ang sinumang buyer gamit ang POWR. Walang sinumang tao (o Power Ledger supporter!) ang maiiwan. Patuloy ang pag-track ng ledger sa kung sino ang holders ng asset, at ito ay hindi maaaring kuwestyunin o baguhin kailanman.

Ang Manok Bago ang Itlog

Isipin ang pagiging isa sa mga unang taong gumamit ng email bilang isang paraan ng komunikasyon. Ang network (na binubuo ng email client at server) ay wala masyadong halaga sa end user. Sino ang maaari nilang i-email? Paano ka bubuo ng user base ng isang network sa umpisa pa lang? Walang incentive ang pagiging isang early adopter.

Ngunit mayroong soluyon: blockchain tokens. Lumilikha ng network ang tokrn holders na nagbibigay ng halaga sa Platform, at bilang ganti, tatanggap sila ng ownership o pagmamay-ari ng network.

Gamit ang isang token model, magkakaroon na ngayon ng incentive ang pagiging early adopter o user ng network. Sa kaso ng Power Ledger, pinahihintulutan nito ang future users ng Platform na mag-pre-purchase ng kuryente sa discounted na halaga, bilang maaaring palakihin ng demand drivers ang halaga ng POWR. Sa pamamagitan ng pagbili sa Token Generation Event (token sale), maaaring kumuha ng POWR ang users bago maging aktibo ang utility model.

Decentralized Business Model

Kapag tumatakbo na ang Platform, makikibahagi sa tagumpay nito ang network-builders. Sa halip na isang malaking korporasyon ang umani ng mga benepisyo, ang tagumpay ng Platform ay ramdam pababa sa users at sa early supporters.

Kaya naman, sa Power Ledger, itinuturing namin ang aming organisasyon bilang isang movement sa halip na isang korporasyon. Kapag nagtagumpay ang kompanya, magbebenipisyo rin ang lahat ng early supporters, application developers, at users nito.

Pagpapabilis ng Paglago

Tulad ng sa lahat ng startups, maaaring maging mahirap ang paghahanap ng access sa financial capital nang walang pinapakawalang valuable equity. Sa pamamagitan ng isang token sale, ang future platform application developers (na tinaguriang Application Hosts sa aming Ecosystem) at future platform users ay maaari ngayong bumili ng serbisyo o produkto nang maaga para pondohan ang development nito at gantimpalaan ng early-on support. Maihahalintula ito sa pag-pre-order ng isang produkto at pagbayad ng upfront deposit para ireserba ang iyong sale. Ginamit ng Tesla Motors ang modelong ito upang pondohan ang produksyon ng kanilang kauna-unahang electric cars, habang may $5,000 USD down payment na hiningi upang 1) pahintulutan ang future car owners na ireserba ang kanilang spot at siguraduhing makatatanggap muna sila ng Tesla, at 2) mabigyan ang kompanya ng kinakailangan nilang liquidity sa paggawa ng mga kotse.

Sa kaso ng Power Ledger, hindi kami nakatuon lamang sa pagbayad para sa development costs, bilang mayroon na kaming subok at matibay na platform. Sa halip, mas nakatuon kami sa pagpapabilis ng aming growth rate.

Bilang kauna-unahang mover sa partikular na espasyong ito, patuloy ang iba sa paglikha ng “copy-and-paste companies” at nagkakandarapang makakuha ng market share. Ang aming project roadmap ay magpapatuloy anuman ang estado ng funding, ngunit ang extra liquidity ay pinahihintulutan kaming makinabang nang lubos sa aming first mover advantage. Ang mas mabilis na paglago ay nangangahulugan ding maaari naming ialok ang aming Platform sa international markets sa mas lalong madaling panahon upang matupad ang aming misyong i-democratize ang power o enerhiya.

--

--