Gobyerno ng Australia Tutulong sa Pagpondo ng $8 Milyong Proyekto sa Fremantle na Gagamit ng Power Ledger Platform

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
5 min readSep 4, 2018

Inanunsyo ng gobyerno ng Australia ngayong araw na magbibigay ito ng $2.57 milyon na pondo para sa isang makabagong proyekto sa lungsod ng Fremantle. Ang natitirang $5.68 milyon namang kakailanganin ng nasabing proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng iba’t ibang project partners tulad ng Curtin University, Murdoch University, Curtin Institute of Computation, LandCorp, CSIRO/Data61, CISCO, at Power Ledger.

Susubukan ng nasabing proyekto ang paggamit ng blockchain-powered distributed energy at water systems. Ang naturang proyekto rin ay pangalawa sa mga pinakamalaking tumanggap ng grant sa buong Australia, kasunod lamang ng proyektong “Switching on Darwin.”

Para Saang ang Mga Pondo?

Ang proyekto, na kinabibilangan ng academic, infrastructure, at technology partners, ay susuri sa kung paano magagamit ng mga lungsod ang blockchain technology at data analytics sa pag-integrate ng distributed energy at water systems. Ang federal funding ay bahagi ng inaugural Smart Cities and Suburbs Program ng pamahalaan na naglalayong solusyunan ang mga praktikal na problema. Ang proyekto ay susuportahan din ng Australian Energy Market Operator (AEMO), Western Power, at CRC for Low Carbon Living.

Paano Ito Gagana?

Ang trial ay gagamit ng napakatibay, low-carbon, at murang mga sistemang in-install at kinonekta gamit ang blockchain technology. Aaregluhin ang isang malaking solar photovoltaic (PV) plant, rooftop solar PV panels, isang precinct-sized battery, isang electric vehicle charging station, at precinct water treatment at capture systems gamit ang blockchain technology at data analytics, at ipapakita ang interconnected infrastructure ng future smart cities.

Ang onsite energy generation naman sa water treatment systems ay maiiwasan ang pangangailangan para sa mahal na distribution overhauls, bilang ang mga ito ay sasailalim sa isang $3-million upgrade para dagdagan ang kapasidad. Ang nasabing proyekto ay magbibigay sa communidad ng financial at service sustainability habang nakikipagtulungan pa rin sa pribadong sektor.

Ayon kay Brad Pettitt, alkalde ng lungsod ng Fremantle: “Ikinagagalak namin ang pag-host ng naturang proyekto sa aming lugar. Ang kolaborasyon sa pagitan ng umiiral na infrastructure, renewable energy, at innovative technology ay akma sa aming One Planet zero carbon energy target at makatutulong sa aming i-secure ang tuloy-tuloy na sustainability ng mahahalagang serbisyo para sa mga komunidad na nakatira dito.”

Ano ang Gagampanang Papel ng Mga Partner?

Ang Curtin University ay responsable sa mga gawaing may kinalaman sa pamamahala ng proyekto at magsasagawa ng research na magpapatibay rito.

Ayon kay Professor Greg Morrison ng Curtin University: “Magde-develop kami ng isang smart metering, battery storage, at blockchain trading system para bigyang-daan ang energy at water efficiencies sa pagitan ng mga critically dispersed infrastructure na, kung sa ibang paraan, ay mangangailangan ng physical co-location.”

Ang Murdoch University ay magbibigay ng research support para sa alternative district water supply at storage schemes na gagamitin upang magsuplay ng tubig, kapasidad, at pantulong na mga serbisyo sa isa’t isa at sa grid.

Ayon kay Martin Anda, Academic Chair of Environmental Engineering: “Kapanapanabik ang balitang ito mayroon na kami ngayong pagkakataong i-develop ang bagong-bagong precinct scale urban water system sa Fremantle na katugma ng makabagong Power Ledger Platform.

“Masaya ako sa prospect ng pagsisimula ng research, modelling, at pagdisenyo ng novel water distribution infrastructure upgrades sa Knutsford, sa pamamagitan ng rainwater capture at wastewater recycling, kasama ang lungsod ng Fremantle at ang buong team.”

Ang Curtin Institute for Computation at Data61 ay magbibigay ng kinakailangang data analytics upang bumuo ng mga pananaw mula sa mga proyektong ito.

Ayon kay Professor Andrew Rohl, Direktor ng Curtin Institute for Computation: “Pinpuri namin ang lungsod ng Fremantle at ang industry partners nito para sa kanilang vision sa proyektong ito, at inaasahan naming kami ay makatutulong sa kanila sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas sustainable na hinaharap para sa kanilang komunidad.”

Ang CISCO ay susuporta sa proyekto bilang bahagi ng strategic partnership nito kasama ang Curtin University na tinaguriang Innovation Central Perth.

Ang CSIRO at Data61 ay may mga kakayahang kinakailangan sa paggabay sa delivery ng proyektong ito, tulad ng megatrend analysis, risk analysis, statistical forecasting, at systems modelling.

“Sisiguraduhin ng karanasan ng CSIRO sa pakikipagtulungan nito sa industriya at gobyerno pagdating sa pagtayo ng mga plataporma na ang data na malilikha ng proyekto ay gagamitin ng komunidad, project partners, at pamahalaang munisipal,” wika ni Glenn Platt, Research Director ng Grids & Energy Efficiency Systems.

Ang Landcorp ay nakikilahok upang subaybayan ang tagumpay para masaliksik ang mga alternatibong water at energy systems na konektado sa smart technology.

Ayon kay Dean Mudford, Chief Operations Officer ng Landcorp: “Nananabik kaming maging bahagi ng isang shared commitment na siyasatin ang mga alternatibong water at energy systems na makabago, resource efficient, at konektado sa smart technology. Ang potensyal para sa ganitong level of innovation na ipapasok sa susunod na yugto ng aming Knutsford development ay sumusuporta sa aming mas pinalawak na corporate objective na mamuno sa pamamagitan ng paggawa. Ang funding, na pinahihintulutan ang research na siyasatin ang mga alternatibong water at energy systems, ay may potensyal na bawasan ang mga gastos sa infrastructure development para sa mga darating na dekada.”

Ano Naman ang Papel na Gagampanan ng Power Ledger?

Ang Power Ledger ay magbibigay ng transactional layer para sa renewable assets pati na rin sa ownership model para sa community-owned battery.

Ayon kay Dr. Jemma Green, co-founder at chairperson ng Power Ledger: “Sabik ang Power Ledger na makibahagi sa kasnduan ng innovators at technical experts upang palaguin at linangin ang platfform. Nananabik kaming maging bahagi ng makabagong proyektong ito na gagamit ng blockchain technology na aareglo sa sustainable assets.”

Ang proyekto ay sasaklaw nang higit dalawang taon, at magsisimula sa loob ng susunod na dalawang buwan.

--

--