India Smart Grid Forum, nakipagkasundo sa Power Ledger upang simulan ang P2P trading kasabay ng electricity utilities sa India
Highlights:
· Napili ang India Smart Grid Forum (ISGF) upang gabayan ang Uttar Pradesh Power Corporation Limited (UPPCL) sa pagpapakilala ng blockchain technology upang magbigay-daan sa peer-to-peer (P2P) trading ng solar energy sa India.
· Ang ISGF, sa pakikipagtulungan sa Power Ledger, ay sisimulan ang proyekto kasabay ang UPPCL at UPNEDA sa pilot phase kasama ang ilang mga pilinggusali ng pamahalaan na may rooftop solar sa Lucknow.
· Ang UP Electricity Regulatory Commission (UPERC) ay ang kauna-unahang regulatory body sa buong mundo na nag-apruba ng P2P blockchain trading sa kanilang solar rooftop policy.
· Ang Phase-I ng pilot project ay inaasahang makukumpleto sa Marso 2020; at ang mga resulta ay susuriin upang makalikha ng mga akmang regulasyon para sa pagsusulong ng P2P trading ng solar energy sa nasabing estado.
MEDIA RELEASE: Ipinakilala ng UP government ang blockchain technology sa rooftop solar power segment nito, kung saan ito ay ang nag-iisang estado na inamendahan ang umiiral na regulatory framework upang magbigay-daan para sa kontroladong peer-to-peer (P2P) energy trading sa India.
Ang pilot project, na ibinalangkas ng state power utility na UP Power Corporation Limited (UPPCL) at UP New and Renewable Energy Development Agency (UPNEDA), ay magpapakita ng feasibility ng energy trading sa pamamagitan ng blockchain mula sa rooftops na may solar power patungo sa mga kalapit na households.
Ang UP government ay isa sa mga una sa mundo pagdating sa pormal na pagkilala sa blockchain bilang isang mekanismo upang gawing mas epektibo ang energy markets.
“Ang India ay isang malaking merkado at ang UP ay ang pinakamalaking estado sa India. Ang ISGF at ang state utility na UPPCL ay kinilala ang gawa ng Power Ledger sa renewable energy sector at pinili ang aming teknolohiya upang tulungang umusad ang pagsusulong ng estado patungo sa mas epektibong renewable energy marketplace,” wika ni Power Ledger Head of Business Development and Sales Vinod Tiwari.
Ang energy-consumption growth sa India ay kasalukuyang mas mabilis kumpara sa lahat ng mga pangunahing ekonomiya. Upang makatulong sa pagpigil sa pagtaas ng paggamit ng fossil fuel generation, ang Ministry of New and Renewable Energy ng Pamahalaan ng India ay nag-set ng target na pag-install ng 40 GW ng rooftop solar capacity sa buong bansa pagdating ng 2022.
“Ang pilot project ay magpapakita ng feasibility ng energy trading sa pamamagitan ng blockchain mula sa rooftops na may solar power patungo sa mga kalapit na households o mga gusali. Ang platform ng Power Ledger ay integrated sa smart meter systems upang bigyan ng pagkakataon ang households na mag-set ng presyo, mag-track ng energy trading in real time, at mag-enable ng settlement ng surplus solar transactions in real time sa pamamagitan ng smart contracts na in-execute sa blockchain,” wika ni ISGF Executive Director Reena Suri.
Ang ISGF ay nakikipagtulungan sa electricity distribution companies sa India upang mabilisin ang adoption ng innovative smart grid technologies, kabilang ang renewable energy at electric vehicle integration sa electricity grids. Ang ISGF ay nakipagtulungan na sa malaking bilang ng technology providers at entrepreneurs mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang ipakilala ang emerging technologies sa India.
Ang Phase-I ng pilot project ay inaasahang makukumpleto sa Marso 2020; at ang mga resulta ay susuriin upang makalikha ng mga akmang regulasyon para sa pagsusulong ng P2P trading ng solar energy sa nasabing estado.
Ang platform ng Power Ledger ay naka-deploy na sa iba’t ibang mga bansa, kabilang ang Australia, Thailand, Japan, Malaysia, Estados Unidos, at Austria.
***
Tungkol sa Power Ledger
Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.
Tungkol sa ISGF
Ang India Smart Grid Forum (ISGF) ay isang public-private partnership initiative ng Ministry of Power ng Pamahalaan ng India para sa mas pinahusay na development ng smart grid technologies sa Indian power sector. Ang ISGF ay may higit 180 miyembrong binubuo ng ministries, utilities, technology providers, academia, at research, at ito ay isang ring global leader sa smart grids at smart cities initiatives. Ang ISGF rin ang India Chapter para sa Energy Blockchain Consortium, USA at Energy Web Foundation (EWF), Germany.