Power Ledger at BCPG Nagkasundong Dalhin ang Distributed Renewable Energy Trading sa Thailand!

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
3 min readSep 4, 2018

Inanunsyo ngayong araw ng Thai-Government backed renewable energy developer na BCPG at Power Ledger ang isang kasunduang dalhin ang peer-to-peer renewable energy trading sa Thailand.

Sa kauna-unahang pagkakataon sa South East Asia, makikipagtulungan kami para sa pagtayo ng microgrid development sa Bangkok na titiyak sa trading ng isa hanggang dalawang megawatts ng embedded solar generation sa pagitan ng anim hanggang sampung multi-storey apartment buildings.

Gamit ang energy trading platform ng Power Ledger, kakayanin ng building managers na magkalakal ng renewable energy mula sa solar panels na naka-install sa bawat building na may autonomous financial settlement na pinagana sa pamamagitan ng paggamit ng isang ligtas na banking interface.

Sinimulan na ng BCPG ang pagpili ng bangko sa Thailand na magiging kauna-unahang provider ng autonomous financial settlement para sa P2P energy transactions sa Asya.

Ayon kay BCPG President Bundit Sapianchai, ang industriya ay kumikilos mula sa isang sentralisadong generation patungo sa isang distributed energy model kung saan mahalaga ang gagampanang papel ng blockchain technology pagdating sa distribution.

“Ang innovation ay nasa puso ng BCPG. At nananabik kaming makipagtulungan sa Power Ledger,” wika ni Mr Sapianchai.

“Tutulungan nitong mabawasan ang pamumuhunan ng pamahalaan sa pagtayo ng large-scale power plants upang matugunan ang lumalaking demand para sa kuryenta. Mag-aalok din ito ng mas magandang uri ng kuryente galing sa renewable energy sa pamamagitan ng peer-to-peer energy trading,” wika ni Mr Sapianchai.

“Sakop ng aming proyekto ang diverse na mga grupo ng participants, mula sa housing units hanggang sa mga mall, paaralan, ospital, industrial estates, at iba pa.”

“Sakop ng aming proyekto ang diverse na mga grupo ng participants, mula sa housing units hanggang sa mga mall, paaralan, ospital, industrial estates, at iba pa,” dagdag ni Sapianchai.

Sabi naman ni Power Ledger managing director David Martin, ang pagkabit ng on-site renewable energy generation sa peer-to-peer trading ay magbibigay ng pagkakataon sa komunidad na i-maximize ang kanilang renewable energy investment habang ibinabahagi nila ang low-carbon benefits sa kanilang mga kalapit na konsyumer.

“Ang renewable microgrid developments ay pinahihintulutan ang mahusay na installation at operasyon ng generation capacity malapit sa mga konsyumer. Ipinagmamalaki naming makipagtulungan sa BCPG upang dalhin ang teknolohiyang ito sa South East Asia,” wika ni Martin.

“Ang pagiging autonomous ng trading platform ay nangangahulugang ito’y simple at mura, at ang pagdala nito kasama ang on-site generating capacity ay nangangahulugang ang enerhiya ay mura, low-carbon, at matatag laban sa mga epekto ng malalang lagay ng panahon.”

“Ang pagiging autonomous ng trading platform ay nangangahulugang ito’y simple at mura, at ang pagdala nito kasama ang on-site generating capacity ay nangangahulugang ang enerhiya ay mura, low-carbon, at matatag laban sa mga epekto ng malalang lagay ng panahon,” dagdag pa niya.

Ang Power Ledger ay gumagamit ng nangungunang blockchain technology sa mundo para maglikha ng isang immutable record ong energy generation at consumption na magpapahintulot sa mga konsyumer na bumili at magbenta ng enerhiya sa isa’t isa nang may kumpiyansa sa pamamagitan ng embedded networks tulad ng strata at community-titled developments ant microgrids.

--

--

Powerledger
Powerledger

Published in Powerledger

Powerledger is an Australian technology company that has developed a world-first blockchain enabled renewable energy trading platform, that is now available in more than nine countries, across four continents, enabling customers to access and trade cheaper, cleaner electricity.