Power Ledger at KEPCO, pinahaba ang trial upang lumikha at mag-track ng renewable energy credits

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
4 min readDec 10, 2019
  • Power Ledger, lilikha, magta-track, kakalakal, at maghahatid ng settlement ng renewable energy credits sa pamamagitan ng blockchain-based platform nito.
  • Ang Non-Fossil Value (NFV) certificates ay nakalaan sa electricity retailers sa tuwing ibinabalik ng customers ang solar energy sa grid.
  • Ang trial ay nakatakdang magsimula sa DIsyembre 2019.

Osaka, Japan: 9 December 2019 — Pinahaba ng Power Ledger ang trial nito kasama ang Japanese electricity company na Kansai Electric Power Co Inc (KEPCO) upang lumikha at mag-track ng Renewable Energy Certificates (RECs) pati na rin ng solar energy trading.

Bilang bahagi ng bagong kasunduan, gagamitin ng KEPCO ang platform ng Power Ledger upang lumikha, mag-track, mag-trade, at maghatid ng settlement ng renewable energy credits na tinatawag na Non-Fossil Value (NFV) certificates, na na-generate ng rooftop solar systems.

Nagbibigay-daan ang NFVs upang makatanggap ang electricity retailers ng RECs para sa kuryenteng ibinalik sa grid mula sa customers na nagmamay-ari ng sariling PV solar systems.

“Ang energy market ay isa sa mga pinakamalalaking ekonomiya sa mundo, na nagkakahalaga ng mga daang bilyong dolyares. Ang Power Ledger ay nakikipagtulungan sa mga malalaking energy retailers, tulad ng KEPCO, para tulungan silang mas mapaganda ang kanilang kasalukuyang business models para sa mga customers nila,” sabi ng Power Ledger Co-founder at Executive Chairman na si Dr Jemma Green.

Ang teknolohiya ng Power Ledger ay maaaring gamitin para ma-track ang enerhiya galling sa renewable sources para ma-offset ang emissions at para rin sa iba’t ibang transaksyon na may kinalaman sa environmental commodities at renewable energy credits.

Ang plataporma ng Power Ledger ay base sa blockchain, isang digital decentralized ledger, na ang bawat transaksyon ay immutable at nare-record ng real-time. Gamit ang teknolohiya ng Power Ledger, Ang mga REC ay nata-track sa kabuoan ng pagkabuhay nito — mula sa pagkabuhay nito hanggang sa pagkamatay, na nakakabawas sa potensyal na magamit itong muli.

“Ang market ng pag-trade ng pag-trade ng environmental commodities ay patuloy at mabilis na nagbabago, at may nabubuong presyon na siguraduhing ang credits ay hindi ma-doble ang bilang. Bumubuo ang Power Ledger ng isang operating system para sa mga makabaong energy marketplace,” pahayag ni Dr Green.

Ang trial na ito ay makapagbibigay sa KEPCO ng framework para mabigyan ang kanilang RE100 customers ng kakayahang gamitin ang NFV certificates na laban sa RE100 claims. Ang RE100 ay isang pandaigdigang inisyatibo na pinangungunahan ng international at non-profit na The Climate Group, sa pakikipagtulungan sa global disclosure network na CDP (na dati ay ang Carbon Disclosure Project).

Para maging RE100 certified, ang isang kompanya ay dapat may elektrisidad na aprubadong renewable ng initiative, at meron din dapat NFV certificates galing Japan, na may kasama dapat na REC tracking information.

Mula ng Oktubre 2019, ang unang pangkat ng mga customers ay hindi nakapasa na makatanggap ng kapakipakinabang na FIT model ng Ministry of Economy, Trade and Industry (METI).

Ang bagong trial ay magpapatuloy sa matagumpay na kolaborasyon sa pagitan ng dalawang kompanya para masubukan ang pagiging epektibo ng peer-to-peer (P2P) na mga transaksyon ng FIT surplus power sa Osaka. Napatunayan ng unang trial ang kawastuhan at ang pagtanggap ng mga consumer sa makabagong teknolohiya ng Power Ledger sa Japan.

“Natukoy naming meron pang oportunidad na dagdagan pa ang aming orihinal na trial ng Power Ledger para bumuo pa ng makabagong business model ng P2P energy trading sa pagitan ng participants at ng mga bahay, mga negosyo at mga energy aggregators sa Japan,” sabi ng KEPCO Representative General Manager Fumiaki Ishida.

Ang unang trial ay napatunayang ang mga komunidad ay mapapatnubayan pa ng mas murang alternatibo ng energy na makakabawas sa kasalukuyan nilang pag gastos sa kuryente, at mabibigyan ng oportunidad na kumita ang mga energy-generating customers sa pagbebenta ng kanilang surplus energy gamit ang P2P platform ng Power Ledger.

Ang REC tokens na nabubuo ng Power Ledger ay itatago sa isang central KEPCO wallet. Ang trial ay isasagawa na sa Disyembre 2019, at ang resulta nito ay inaasahang makita sa Marso 2020.

Ang teknolohiya ng Power Ledger ay wala pang katulad sa energy market ng South East Asia, at merong mga aktibong proyekto sa mga bansa tulad ng Thailand, Japan, Estados Unidos, at Australia.

Tungkol sa Power Ledger

Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.

Tungkol sa KEPCO

Binuo noong 1951, ang Kansai Electric Power Co. ay isang nangungunang Japanese utility na nagbibigay ng kuryente, negosyo, at mga solusyong pangkabuhayan, sa mga lugar ng kanilang operasyon sa Kansai, Japan, kung saan nakapaloob ang Kobe-Osaka-Kyoto megalopolis

--

--