Power Ledger at Powerclub, pumirma ng kasunduan para sa large-scale rollout ng Virtual Power Plants sa South Australia

Ralph Revelar Sarza
Nov 6 · 4 min read

Highlights

● Pinirmahan ng Power Ledger ang kauna-unahang large-scale commercial rollout ng teknolohiya nito.

● Balak i-integrate ng wholesale energy retailer na Powerclub ang blockchain-based technology ng Power Ledger, kabilang ang Virtual Power Plant (VPP) energy trading application nito.

● Bibigyan ng kakayahan ang mga miyembro ng Powerclub na ipunin ang kanilang excess solar at battery storage sa isang VPP habang ina-access ang wholesale electricity prices mula sa grid at retailer services at cost price.

● Makakaiwas ang mga miyembro sa peak demand price spikes na babawas sa taunang energy costs, sa ngalan ng mas mabilis na settlements at mas malaking kontrol sa kung kalian nila gagamitin ang kanilang enerhiya at kung magkano ang gagastusin nila rito.

Adelaide, Australia: 7 November 2019 — Nakipagkasundo ang energy trading software company na Power Ledger sa Australian electricity wholesaler na Powerclub upang bigyan ang households sa kauna-unahang pagkakataon ng kontrol sa kanilang pagkonsumo ng enerhiya.

Pahihintulutan ng nasabing komersyal na kasunduan ang mga miyembro ng Powerclub na mag-ipon ng kanilang net solar at battery storage upang magsilbing Virtual Power Plant (VPP) at makakuha ng accesssa wholesale electricity prices para sa mas malaking kontrol sa kung magkano ang kailangan nilang bayaran para sa kanilang konsumo sa enerhiya.

Ang VPP technology ng Power Ledger ay magpapahintulot sa Powerclub households na may batteries na ipunin ang kanilang stored solar power upang ibenta sa mga panahong mayroong mataas na demand sa enerhiya at price spikes, na tutulong na pabilisin ang kanilang kita mula sa kanilang puhunan sa rooftop solar.

Ang energy trading technology ng Power Ledger ay magkakaloon sa Australians ng mas malaking kontrol sa kung kailan sila gagamit ng enerhiya at kung magkano ang kailangan nilang bayaran. Kasabay ang wholesale rates at no-profit process ng Powerclub, ito ay isang win-win na sitwasyon para sa mga miyembro.

“Ang Australian Energy Market Commission ay nakapagbigay na ng hudyat ukol sa pagiging energy trading platforms ng grids sa hinaharap. Ang hinaharap ng industriya ng enerhiya ay magiging decentralized at democratized, tulad ng kung ano ang nangyari sa taxi industry nang umusbong ang rideshare apps tulad ng Uber at Ola. Hindi mo na kinakailangang maging isang malaking electricity company para i-commoditize ang enerhiya,” wika ni Power Ledger Co-founder at Chairman Dr Jemma Green.

Sa ilalim ng kasalukuyang sistema, ang energy consumers ay may mga kailangang panagutang karagdagang hidden costs at markups ng electricity retailer upang ma-cover ang supply costs.

“Binibigyang-kapangyarihan ng energy trading platform ng Power Ledger ang lahat ng customers na konektado sa electricity grid, at ito’y naghahatid sa kanila ng mas malaking kontrol sa kanilang enerhiya at mas mahusay na pangangasiwa rito,” dagdag ni Dr Green.

Pagod na pagod na ang Australians sa tumataas na energy prices at karapat-dapat lamang na makinabang sila sa wholesale market. Sa pamamagitan ng partnership na ito, ang mga miyembro ng Powerclub na naka-invest sa solar at battery storage ay magkakaroon na ngayon ng real-time access upang makinabang sa pag-leverage ng wholesale market at makakuha ng mas mabilis na payback para sa kanilang investment.

“Kung may isang bagay na kung saan nananatiling matapat ang Powerclub, ito ay transparency. Nakipagkasundo kami sa Power Ledger dahil nakita naming kritikal ang kanilang teknolohiya sa pagpapababa ng price opacity sa energy market,” sabi ni Powerclub CEO at Founder Stuart McPherson.

Ang dalawang kompanya ay nakatingin na sa longer term solutions sa kasalukuyang energy crisis upang matiyak sa Australians na magkakaroon sila ng access sa mas mura at mas malinis na enerhiya.

“Naniniwala kaming sa pamamagitan ng pag-integrate ng platform ng Power Ledger sa aming commercial offering, ang aming Members ay magkakaroon ng kakayahang i-access ang mas magandang price points para sa kanilang enerhiya,” wika ni Mr McPherson.

Ang Powerclub ay opisyal na nailunsan noong early 2019 at itinanghal na 2019 Electricity Retailer of the Year sa tatlong estado. Ang financial comparison site na Mozo ay ginawaran ang Powerclub ng 15 mga parangal, kabilang ang walo sa business category para sa paghahatid ng pinakamagandang halaga sa residential at maliliit na business customers.

Ang Power Ledger naman ay may mga aktibong proyekto sa Western Australia at sa iba’t ibang mga bansa sa buong mundo, kabilang ang Austria, Thailand, Japan, at Estados Unidos. Ang commercial deal kasama ang Powerclub ay inaasahang aabot sa iba pang east coast Members ng kompanya.

***

Tungkol sa Power Ledger

Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson, at ang amin namang co-founder na si Dr Jemma Green ay isang finalist sa EY World Entrepreneur of the Year awards. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.

Tungkol sa Powerclub

Ang Powerclub ay isang Melbourne-based wholesale energy retailer na may innovative technology na idinisenyo upang isaayos ang highs and lows ng energy market. Ang kompanya ay ang kauna-unahang Member-Owned Australian energy retailer at pinagkakaisa nito ang komunidad sa pamamagitan ng paghahatid ng mas magandang paraan ng pagbili, pagbenta, at paggamit ng enerhiya. Sinisikap ng Powerclub na makapaghatid ng mga bagong ideya at pamamaraang magbibigay ng kakayahan sa Members na makatipid sa gastos nang may mas malaking kontrol. Ang nasabing kompanya ay tumatakbo sa NSW, VIC, QLD, SA, at sa ACT.

Power Ledger

Power Ledger is a fast growing tech startup that has developed a world-first blockchain enabled energy trading platform.

Ralph Revelar Sarza

Written by

Power Ledger

Power Ledger is a fast growing tech startup that has developed a world-first blockchain enabled energy trading platform.

Welcome to a place where words matter. On Medium, smart voices and original ideas take center stage - with no ads in sight. Watch
Follow all the topics you care about, and we’ll deliver the best stories for you to your homepage and inbox. Explore
Get unlimited access to the best stories on Medium — and support writers while you’re at it. Just $5/month. Upgrade