Power Ledger, bumili ng 250kW solar asset upang maglunsad ng energy auditing system

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
4 min readJan 13, 2020
  • Bumili ang Power Ledger ng isang 250kW photovoltaic (PV) system mula sa Perdaman Advanced Energy, isang subsidiary ng WA-based multinational Perdaman.
  • Ang Maddington PV system ay may 20-year Power Purchase Agreement (PPA) at mai-integrate sa bagong produkto ng Power Ledger, ang PPA Vision.
  • Ang PPA Vision ay isang energy data management, billing, at settlement system para sa energy asset owners at operators na maghahatid ng isang immutable audit trail na haharang sa double billing at loss of revenue.

Maddington, Western Australia — 13 January 2020: Bumili ang Power Ledger ng isang 250kW photovoltaic (PV) system mula sa Perdaman Advanced Energy, na gagamit ng isang bagong data management and settlement system na tinatawag na PPA Vision.

Ang Maddington-based PV system ay mag-i-integrate sa energy data management and settlement system ng Power Ledger sa pamamagitan ng isang 20-year Power Purchase Agreement (PPA) upang makapaghatid ng karagdagang visibility sa renewable energy na ibinibenta sa isang consumer.

Maaaring i-tailor ang teknolohiya ng Power Ledger upang maging akma sa mga pangangailangan ng kahit na anong energy market at build, at may hanay rin ito ng mga produktong nagpapahintulot sa energy trading at nangangasiwa sa renewable energy credit markets.

“Ang aming mga trial kasama ang energy retailers at iba’t ibang mga pamahalaan sa buong mundo ay nagpakitang mayroong demand para sa isang produktong nagbibigay-daan para sa autonomous management at settlement ng energy generation at consumption,” pahayag ni Power Ledger Co-founder at Executive Chairman Dr Jemma Green.

Idinesenyo ang PPA Vision para sa co-located renewable energy assets tulad ng rooftoo solar panels pati na rin ang cross-grid PPA supply arrangements.

“Maaaring maging inaccurate ang tradisyunal na metering at billing systems. Hinahadlangan ng teknolohiya ng Power Ledger ang loss of revenue at overcharging nang sabayan. Isinusulong ng energy regulator ng Australia ang isang bagong two-sided energy market. Ang Power Ledger ay mayroong teknolohiyang kayang mangasiwa sa ganitong uri ng transisyon,” dagdag pa ni Dr Green.

Maaaring i-customize ng generators ang energy tracking at trading software alinsunod sa regulatory requirements ng mga gobyerno, mga lokal na konseho, at mga negosyo upang tulungan sila sa pag-abot ng kanilang renewable energy targets.

“Ang involvement ng Perdaman Advanced Energy ay sumasalamin sa multi-pronged efforts ng aming kompanya sa paglikha ng mas maaliwalas na hinaharap sa pamamagitan ng paghahatid ng clean energy solutions na magpapababa sa cost of doing business sa Australia at magde-decarbonize sa ating ekonomiya,” wika ni Perdaman Advanced Energy Chairman Vikas Rambal.

Halimbawa, ang isang negosyo o local council na pumapasok sa PPA nang may renewable energy generator ay maaaring mag-integrate nang direkta sa platform ng Power Ledger. Gayunpaman, ang PPAs sa buong network ay kinakailangang makipagtulungan sa isang energy retailer.

Kaya rin ng Power Ledger na i-integrate ang teknolohiya nito sa independent power producers, embedded network operators, asset developers, at PV system owners.

Ang renewable energy na lilikhain ng Maddington asset ay masusubaybayan gamit ang blockchain technology upang makapaghatid ng isang verified audit trial para sa nalikhang enerhiya, enerhiyang nabili mula sa grid, enerhiyang kinonsumo, at enerhiyang ipinadala sa grid. Ang katatagan ng blockchain technology ay tutulong sa pagtanggal ng anumang potential errors na may kinalaman sa accounting para sa revenue.

Maliban sa PPA Vision product ng Power Ledger, gagamit din ang asset ng environmental attributes product ng Power Ledger upang i-automate ang issuance ng large-scale generation certificates at i-tokenize ang mga nasabing certificates.

Ang sale ay natapos noong January 2019, kasabay ang pagbuo ng additional 150kw na nakompleto noong Oktubre. Nakarehistro ang asset sa Australia’s Clean Energy Regulator at nabigyan ng authority to operate mula sa Western Power noong November 15, 2019.

Tungkol sa Power Ledger

Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.

Tungkol sa Perdaman Advanced Energy

Ang Perdaman Advanced Energy ay isang subsidiary company ng Perdaman. Naghahatid ito ng full offering ng clean energy consulting, project development, at clean energy asset management. Kabilang sa client base nito ang kilalang mga organisasyon mula sa gobyerno, industrial at commercial property owners, pati na rin ang ilang not-for-profit organizations.

--

--