Power Ledger Founders AMA Transcript
Dahil sa pagkakaroon ng mahigit 8,500 mga miyembro sa aming Telegram sa kasagsagan ng Founders Ask Me Anything (AMA), ang mga sagot ay medyo maikli upang subukang tumugon sa lahat sa abot ng aming makakaya.
Q: Maaari n’yo bang klaruhin kung nakikipag-usap na kayo sa Elon Musk tungkol sa potensyal na pakikipagsosyo?
A: Nakipag-ugnayan na kami sa mga kinatawan, ngunit ang mga kuwento sa iba’t ibang forums ay lubhang exaggerated.
Q: May tanong ako: Mayroong 20kW ng solar array sa bubong ng aking pinagtatrabahuhan. Ang boss ko ay nakakakuha ng minimal feedback tariff na nagfi-feed ng power pabalik sa grid (sa tingin ko, 15 cents bawat kWh). Maaari bang gamitin ng aking boss ang Power Ledger para pagkakitaan ang kanyang solar panels?
A: Oo, posible ito sa ngayon. Ito ba ay isang commercial strata? Salamat.
R: Pribado niyang pagmamay-ari ang lupa at gusali, at nag-o-operate out of a shed next door na pagmamay-ari ng kanyang negosyo. Cheers!
Q: Hi, team. Salamat sa pagsagawa ng AMA! Sa inyong layer-pitch sa website at sa isang maliit na sidebar sa white paper, nabanggit ninyo ang paggamit ng oracles sa Power Ledger Core at Ecochain Services layers. Nakagawa na ba kayo ng (centralized) method sa paggamit oracles? O isinasaalang-alang n’yo ba ang paggamit ng third party decentralized oracles tulad ng ChainLink?
A: Ang Oracles ay referenced sa smart contracts under construction.
Q: Hi. Mayroon na ba kayong nagawang progreso pagdating sa Australian regulation bilang ito ang aking pangunahing concern?
A: Hi, Mr Mate. Tinatrabaho na namin ito, ngunit iniiwasan namin ang energy market regulation sa pamamagitan ng paggamit ng strata law at pakikipag-partner sa Application Hosts.
Q: Pinagtatrabahuhan ngayon ng BP, Shell, at Statoil ang isang bagong blockchain trading platform para sa energy trading. Ano ang pananaw ninyo ukol dito? Mayroon na bang naging mga pag-uusap tungkol sa posibleng pakikipagtulungan ng Power Ledger sa bagong trading platform na ito o itinuturing n’yo bang kakompitensya ang nasabing platform?
A: Ang trial na ito ay commodities trading, ibig sabihin: oil at gas. Sinuri na rin namin ang paggamit ng platform para rito, pero walang mga trial o kolaborasyon sa field na ito na kailangang ianunsyo.
Q: Hi. Inanunsyo ng Western Power na tine-test nila ang blockchain technology para sa peer-to-peer trading kasama ang Curtin University. Partnership ba ito kasama ang Power Ledger o hiwalay na proyekto?
A: Kami ‘yon sa WGV.
Q: Sa maraming mga bansa sa Europa, ang kanilang gobyerno ay may direkta at hindi direktang kontrol sa electricity network infrastructure.
Sa kabila ng halos monopolya sa field na ito, ang ibang mga bansa ay nag-aalok sa end consumers ng kakayahang ibenta ang kanilang sobrang kuryente pabalik sa estado. Paano n’yo pinaplanong buwagin ang nasabing status quo?
Anong incentive ang naghihintay sa isang normal na tao para isuko ang pagbenta ng sobrang kuryente pabalik sa estado sa kabila ng pagkakaroon ng isang well developed na network at dumepende na lang sa Power Ledger?
Sa tingin ko, ang pag-alok ng teknolohiya ng Power Ledger sa masa ay parang isang adaptive change na kailangan nilang gastusan nang malaki.
A: Ang state operators tulad ng sa Germany ay aktibong binabawasan ang mga oportunidad para sa mga konsyumer. Walang FiT para sa mga residente sa Germany!
Q: Pinangangambahan n’yo ba ang iba pang Blockchain competitors tulad ng Grid+ o ang bagong anunsyong BP Blockchain?
A: Hindi. Hindi kailanman. Nangunguna kami sa napakaraming paraan.
Q: Kailan makokompleto ng origin energy ang 3-month trial nito at mayroon bang balita ukol dito?
A: Oo naman. Ito’y planado. Sa lalong madaling panahon.
Q: May usap-usapan na ba tungkol sa posibleng pagtulong sa Power Grid ng Puerto Rico?
A: Oo, aktibo kami pagdating sa mga pag-uusap. Nabanggit ng American Security Project ang Power Ledger sa isang diskusyon ukol sa mga polisiya at security options para sa hurricane response sa Puerto Rico, USVI, at Caribbean. Panoorin dito: https://youtu.be/7qcLpZWx8LI?t=1h2m25s
Q: Anong mga strategic partnerships ang nabuo n’yo na o balak buuhin?
A: Kakaanunsyo lang namin ng isa sa Europe ngayong linggo: https://medium.com/power-ledger/lisd-and-power-ledger-working-to-democratize-power-in-europe-1eb721c96977
Q: Nagtataka ako kung gagamitin bang flagship site para sa Power Ledger ang Fremantle, at kung gayon, magiging suitable bang lokasyon ang lumang tip site? Nabanggit ito ni Scott Ludlum sa kanyang sustainable cities talk at nagtataka ako kung ito ba ay posibleng mangyari.
A: Gugustuhin namn ito kung sakali. Malaking oportunidad ito para sa amin at para sa City.
A: Isang paalala: ang WGV trials ay sa suburb ng Fremantle — na malaking tagasuporta ng WGV.
A: Oo, kasama ang LandCorp!
Q: Mayroon bang legal na nag-uugnay ng POWR token sa Pty Ltd company? Kung halimbawa (huwag naman sana) ang platform ay hindi competitive at may kinakailangang bagong token at platform, maaari bang buwagin ng kompanya ang kasalukuyang token?
A: Kung kakailanganin ang bagong blockchain o platform, ang POWR ay muling ipadadala pasa sa isang panibagong POWR.
Q: May mga bagong partnership pa bang paparating?
A: Oo.
Q: Pagdating sa smart contracts, isinasaalang-alang n’yo ba ang pakikipagsosyo sa kompanyang tulad ng Chainlink?
A: Wala muna sa ngayon bilang gusto muna naming gumawa ng mas maraming native coding in house sa abot ng aming makakaya. Mapanganib na umasa sa third-party code! Tanungin n’yo ang parity wallet users (multisig)!
Q: May proyekto ba kayo sa India bilang ang gobyerno ay nagsa-subsidize ng solar roofing at bumibili rin pabalik ng kuryente?
A: May trial kaming sinusubukan ngayon katuwang ang Tech Mahindra.
Q: Hello. Sinusubukan kong intindihin kung mayroon bang ibang paraan para mag-generate ng POWR tokens maliban sa pagbili ng mga ito. Maaari ba silang i-generate sa pamamagitan ng renewable energy systems?
Kasalukuyan kong pinaaandar ang aking mining systems 24/7 mula sa aking off-the-grid setup sa bahay, at umaasa akong maaari akong iambag ang enerhiyang na-generate mula sa mga sistemang ito pabalik sa network.
A: Walang POWR supply na fixed.
Q: May updates ba tungkol sa inyong American aprtnership?
A: Wala muna sa ngayon, pero may mga bagay-bagay na kasalukuyang pinoproseso.
Q: Jemma and David, nakatira ako sa WA. May mga lokal bang lugar kung saan ko pwedeng makita ito in action?
A: Magandang mag-umpisa sa WGV. Iaanunsyo namin ang aming papel sa isang innovative property development sa lalong madaling panahon. Game changer.
Q: Ano ang mga marketing strategies na dapat naming asahan sa hinaharap bilang kakaumpisa pa lang ng inyong exposure sa cryptocurrency space?
A: Mahalaga ang POWR positioning at profile sa crypto space.
Q: Maraming mga lugar sa United Kingdom ay may malalang krisis pang-enerhiya. May mga napabalitang namamatay sa loob mismo ng kanilang mga bahay dahil sa hindi gumaganang heating system. Posible ba kayong magkaroon ng proposisyon para sa UK?
A: May nakilala akong community energy provider mula sa Bramley kamakailan para talakayin ang P2P sa UK. Early days though.
Q: Hi, Power Ledger team. Mayroon bang mga kasalukuyang bukas na posisyon sa inyong kompanya?
A: Kasalukuyan kaming naghahanap ng developers, senior back end at front end.
Q: Primary focus n’yo ba ang Australia? Kung hindi naman, anong bansa?
A: Kaya ay nag-o-operate sa buong mundo.
Q: May plano ba kayo para sa POWR Wallet?
A: Wala sa ngayon.
Q: Pagdating sa legitimacy, tingin n’yo ba’y maaaring magkaroon ng komplikasyon kung tatahakin n’yo ang ICO route?
A: Maraming mga pakinabang ang pagkakaroon ng isang platform token, at malaki ang flexibility na naibibigay nito sa amin. Takes it to a new level kumpara sa isang tradisyunal na kompanya.
Q: Una sa lahat, ako ay isang panatiko ng proyektong ito. Ipinagmamalaki kong ang isang Australian company ay nasa forefront ng isang critical link kung saan ang mundo ay lilipat sa renewable energy tulad ng solar, at mababawasan ang power prices na naglilimita sa kalidad ng buhay para sa mas mahihirap na mamamayang hirap sa pagbayad ng kanilang electricity bills.
Tanong: Kailan n’yo inaasahang magiging kilala ang Power Ledger bilang isang kompanya at magiging pamantayan ng Australian households? Tulad ng eBay na nagbebenta ng personal items mula pa noong mid 2000s, kailan kaya ideally magiging pamantayan ang Power Ledger bilang normal na paraan ng pagbenta ng generated electricity?
A: Hi. Salamat sa suporta! Hindi namin kayang malaman hanggang makompleto ang mga trial at maihanda ang mga kontrata for roll-out. Magkakaiba ang mga estado. Pero pinagsisikapan naming matapos ito kaagad para sa Australia.
Q: Gaano na kalayo ang iyong narating pagdating sa platform development, at kailan namin makikita ang kauna-unahang version? Magiging accessible ba ito para sa lahat o para lamang sa mga tao mula sa isang partikular na rehiyon?
A: Live na ang platform ngayon. Ang app development ay maaaring ma-track sa pamamagitan ng aming roadmap.
Q: Hi. Mayroon ba kayong planong i-market ang Power Ledger sa general public? Maaaring makatulong ang isang digital marketing campaign para humikayat ng mas maraming mga taong posibleng maging interesado sa proyekto kahit sila’y nasa labas ng crypto space. Salamat.
A: Oo. Nasa plano na namin.
Q: Pinayagan ba kayong banggitin ang mga organisasyon?
A: Iaanunsyo namin ito sa oras na isapubliko para sa parehong mga kompanya. Kasalukuyan kaming nakikipagtulungan sa maraming mga organisasyon, pero may mga nakalatag na ring kasunduan ukol sa public release.
Q: Mananatili ba kayo sa ETH blockchain o lilipat sa iba?
A: ETH sa ngayon, pero agnostic din.
Q: Naisip n’yo na bang mag-apply para sa R&D grants mula sa ATO hinggil sa research na ginagawa ng POWR sa Australia?
A: Oo, aktibo kaming nag-a-apply para sa federal grants.
Q: May dapat ba kaming asahang trading exchanges?
A: Pinagtatrabahuhan na namin.
Q: Will you be listing on any Korean markets any time soon?
A: Upbit! Ngayong araw.
Q: Pwede ko bang i-cover ang property ko sa solar panels at magbenta ng murang power sa aking komunidad? Posible ba?
A: Sa ngayon, posible kung nasa area na suportado ng isang Application Host sa Platform.
Q: Hey, POWR team. Ginagamit ba ng AGL ang idea ng Power Ledger sa Australia, at sinusubukan ba nilang maunang matapos? Napanood ko sa isang video kamakailan na kine-claim ng AGL na sa kanila nagmumula ang kauna-unahang solar energy trading platform.
A: Hindi. Origin ang ka-partner namin.
Q: Napagtanto ko ‘yan. Pero kinokopya ng AGL ang idea sa Australia at kine-claim na sila ang nauna?
A: Siguro ang sa kanila ay bahagyang naiibang modelo.
Q: Anong siyudad ang sa tingin ninyo’y unang magkakaroon ng ganap na peer-to-peer system?
A: Kasalukuyan na naming sinusuportahan ang P2P in Perth.
Q: Ano ang main focus ninyo sa ngayon?
A: Ang isakatuparan ang mga susunod na stages ng aming platform applications. Partikular ang asset germination events at marami pang contract partnerships.
Q: Overwhelming at unexpected ba ang suporta ng Australia sa inyong negosyo?
A: Humbling ito para sa amin.
Q: May confidentiality agreements ba kayong nilagdaan ng inyong future partners na maaari n’yo nang ianunsyo ngayon?
A: Confidential pa ang lahat sa ngayon. Ipapaalam namin sa inyo kapag pwede na silang isapubliko.
Q: Mayroon bang scope para sa Origin na gamitin ang Power Ledger para sa lahat ng consumer settlements at data records sa hinaharap, at hindi lang prosumers at consumers na gustong bumili ng solar energy?
A: Gusto naming isiping ganoon.
Q: So maaaring mag-grant ang tokens ng early access sa mga proyekto bilang ganti sa pagpondo ng platform. Anong mga bagay ang maaari naming asahan?
A: Ang siyam na applications na nakalista sa white paper, at marami pang iba habang kami ay patuloy na lumalago!
Q: Nakatira ako sa Thailand. May plano ba kayong mag-set up dito?
A: May Thai power company na bibisita sa amin sa Perth sa susunod na linggo!
Q: Ifa-facilitate ba ng Power Ledger sa hinaharap ang pagbili ng of decentralized assets tulad ng solar farms? Kung oo, paano magiging involved o magagawang mag-invest ng publiko?
A: Abangan n’yo ang aming anunsyo tungkol dito.
Q: Maaari n’yo bang talakayin ang Electronic Vehicle charging station on the blochchain, at posible bang ilabas ninyo ito bago matapos ang taon?
A: Tine-test pa ang hardware, at hinahangad naming magkaroon ng mga bagong iaanunsyo sa mga darating na linggo.
A: Marami kaming iaanunsyo tungkol sa paksang ito. Manatiling nakatutok!
Q: May plano ba kayon makipagtulungan sa property developers sa bagong housing estates para mag-set up ng P2P electricity grids imbes na umasa sa ancient coal grids tulad ng ginagawa nila ngayon?
A: Oo, kasalukuyan na kaming nakikipagtulungan sa iba sa kanila.
Q: Ano ang mas mahalaga: yumaman o isalba ang mundo mula sa global warming?
A: Trick question? Hindi ka pwedeng magmaneho ng Lamborghini kung natutunaw ang dadaanan mo. Malaking driver ang climate change mitigation.
Q: Marami sa mga katrabaho ko ang walang ideya sa kung ano ang blockchain technology at may pag-aalinlangan pagdating sa cryptocurrency. May plano ba kayong turuan ang “everyday” Australian tungkol sa kung paano gumagana ang Power Ledger? Sa tingin ko, malaking bahagi ng inyong customer base ay homeowners na hindi ganoon ka-technically savvy. Ano ang plano ninyo para imulat ang mga ganitong kostomer?
A: Hindi kinakailangang maging crypto savvy ng P2p customers.
Q: Mayroon ba kayong fiat gateway para sa mga gustong bumili ng power sa hinaharap o dadaan ba ito sa isang third party?
A: Ang mga kostomer na mangangalakal ng kuryente ay bibili ng Sparkz with fiat — ang stable na token na ginagamit para sa kWh transactions.
Q: Ia-outsource n’yo ba ang KYC aspect ng fiat gateway?
A: Application host na ang namamahala rito.
Q: Nabasa kong ang car lithium-ion battery production pay lumilikha ng walong taong dami ng diesel car emission. At ang battery ay ginawa upang tumagal sa loob ng walong taon. Hindi ito nakakatulong sa climate change. Out of topic ito, pero malaya kayong sumagot kung mayroon kayong input. Salamat!
A: Fake news. Ang diesel particulates ay nagdudulot ng malalalang isyung pangkalusugan bukod sa CO2 emissions.
Q: May mga plano ba kayo para sa Africa? O kailangan n’yo ng contact para sa South Africa? Maaari ko kayong matulungan.
A: Malaking focus ang developing economies Asya at Africa.
Q: Dr Green, tinalakay mo sa isang podcast ang asset generation, kung saan ang mga indibidwal ay maaaring mamuhunan sa solar power plants. Kailan ito magsisimula at paano pwedeng mamuhunan ng POWR holders?
A: Tumutok sa aming website para sa mga anunsyo.
Q: So paano direktang magbebenta ng enerhiya ang isang bahay papunta sa isa pa kung networked ang lahat ng poles at wires? Kailangan ng marami pang mga detalye tungkol dito. Hindi ba sumisingil ang energy retailer sa bawat kWh?
A: Local energy pooling. Ang network ay isa ring aktor.
Q: Saan pwedeng matagpuan ang iyong paper/thesis, Jemma? Gusto ko sanang basahin.
A: http://www.sciencedirect.com/science/article/pii/S0301421517300800
Q: Naipamahagi na ba ang growth pool tokens?
A: Hindi pa. Maaari mong makita ang contract address.
Q: David, lalabas ka ba sa kahit saang conferences o magsasagawa ng sarili mong panayam?
A: Nasa isang digital commodities conference ako sa ngayon. Marami pang darating. Babalitaan kita.
Q: Saan kayo nakakabili ng POWR tokens na nire-reward para sa prosumers at consumers? Galing ba sa isang crypto exchange?
A: Gagamit sila ng Sparkz tokens, at hindi POWR. Wala ring kinakailangang crypto interface.
Q: Tinatarget ba ng Power Ledger ang wind farms at hydro o solar lang?
A: Alinman. Basta ito’y distributed.
Q: Ano ang inyong vision para sa hinaharap?
A: Milyun-milyung users, ganap na decentralized na platform. Pagdating sa assets trading autonomously at germinating profusely. Pagiging integral ng POWR sa Ecosystem and pag-integrate nito sa iba pang katulad na positibong ecosystems.
Q: Sino ang magme-maintain ng powerlines kung magbebenta kami ng P2P power?
A: Ang network ay nagsisilbing aktor sa ekonomiya at binabayaran para sa serbisyo nito.
Q: Ano ang ibig sabihin ng asset germination?
A: https://web.powerledger.io/asset-germination-events/
Q: Magkano sa 34 million raised in ICO ang nagamit na?
A: Mas mababa sa kung magkano ang in-appreciate nito, bilang tumaas ang crypto prices to date since ICO.
Q: So para itong partnerships mula sa lahat ng mga bansa sa hinaharap?
A: More application hosts, yeah.
Q: Nagkaroon ba ng pag-uusap sa pagitan ng Power Ledger at Dutch energy companies?
A: Dati.
Q: In-approach na ba natin si Gina Reinhardt? Maaari siyang maging interesado.
A: Hindi pa, pero isa siyang matalinong negosyante. Maaari niyang makita ang halaga.
Q: May plano ba kayong makipagtulungan sa United Nations partikuar sa SDGs 7 and 11?
A: Nasa Bonn ako kahapon. SDG7 ang aking mantra! (Dave)
Q: May balak ba kayong makipagtulungan sa isang partikular na carrier sa Australia? Posible ba kayong makipag-co-venture? May IOT strategy ba kayong partner?
A: Hi. Kasalukuyan kaming nakikipagtulungan sa maraming Australian companies. Tingnan mo ang aming website at ANN channel. Wala kaming sariling device; software lahat.
Q: May plano ba kayong sunugin ang natitirang tokens na hawak ng Power Ledger kung hindi na kakailanganin ang mga ito para sa future funding?
A: Kakailanganin namin sila para sa minimithi naming paglago.
Q: Paano nagkakaiba ang mga presyo ng Sparkz at POWR kung ipinapatupad ang teknolohiya ng Power Ledger sa iba-ibang mga bansa?
A: Palaging naka-peg ang Sparkz sa local currency. Habang market-priced ang POWR.
Q: Kasalukuyan bang nakikipagtulungan ang Power Ledger sa energy companies? O contact lamang ang mayroon sa pagitan nila?
A: Property developers din.
Q: Mahusay! Maaari ba itong ipatupad ng National Rental Affordability Scheme? Siguradong matutulungan nito ang gobyerno at tenants na makatipid.
A: Magaling na ideya!
Q: Balik n’yo bang mag-expand globally? O mananatili lang kayo sa Australia?
A: The world!
Q: Kailang ninyo ire-release ang POWR blockchain? Ito ba’y magiging POS, POW, o pareho?
A: POW sa una, tapos lilipat sa POS kapag lumipat ang Ethereum.
Q: Nakagawa na ba kayo ng kahit na anong contact sa developers?
A: Nakikipagtulungan kami sa developers ngayon.
Q: Paano makatutulong sa project development ang partnership ninyo with Curtin University?
A: Research at project collaborations.
Q: Hindi ako masyadong pamilyar sa EV charging. May binubuo ba kayong partnership with an EV charging provider?
A: Ang EV charging provider ay maaaring ang Application Host.
Q: Magkano ang kasalukuyang presyo ng kuryente sa Australia? At kung live project ang Power ngayon, magkano ang matitipid ng isang regular household sa isang buwan?
A: Depende sa gamit. Ang presyo sa Perth ay /8c.
Q: Hello, David. May plano ba kayong idagdag ang Power Ledger sa hardware wallet Ledger o sa anumang hardware wallet?
A: Maaaring ilagay ang POWR sa ledger nano.
Q: Maaari ba kayong magbigay ng maikling breakdown ng inyong marketing strategy? Paano makatatanggap ng widespread adoption ang Power?
A: Layunin ng trials ang pagbuo ng market partnerships.
Q: Maaari ba akong bumili ng kuryente gamit ang POWR tokens kahit hindi pinatatakbo ng solar power system ang aking bahay?
A: Oo, local at low carbon.
Q: Kailangan ba ng everyday user na dumaan sa lahat ng mga pagsubok sa pagbili ng POWR tokens?
A: Hindi. Sa ngayon, bumibili ng Sparkz ang users sa pamamagitan ng dashboard. Walang crypto interaction at all.
Q: Kailan magiging live ang kauna-unahang germination project?
A: Q3 2018 ang nasa roadmap, ngunit mas maaga kami sa schedule.
Q: Nag-apply na ba kayo sa ARENA para sa karagdagang pondo?
A: Nakatanggap na ang WGV project ng pondo galing sa ARENA.
Q: Maaari ka bang bumili ng POWR para sa ibang walang access?
A: Maaari mo silang tulungang bumili kung sila ay nasa Power Ledger platform.
Q: Isinasaalang-alang n’yo bang bumuo ng strategic partnerships with hardware manufacturers?
A: Oo. Nakipagtulungan na kami sa Landis and Gyr.
Q: Anong aspeto ng launch ang pinakanagbibigay-kasiyahan sa inyo?
A: Ang community na ito.
Q: Posible ba ang pagkakaroon ng “Power Brokers”?
A: Sa tingin ko, parang binabalik nito kung ano ang tinatanggal namin sa pamamagitan ng disruption.
Q: Parang origin energy ba ang application host? O mali ang aking pagkakaintindi?
A: Tama ang iyong pagkakaintindi.
Q: Paano ka makakapagbenta ng kuryente kung ang bahay mo ay hindi konektado sa electric grid?
A: Hindi mo kaya physically. Kailangan mong kumonekta para kumita ng Sparkz.
Q: Ano ang magiging total supply of tokens?
A: 1 billion.
Q: Anong uri ng GST ang sisingilin para sa mga konsyumer ng enerhiya? O Application Host system na ang bahala rito?
A: Oo, Application Host na ang bahala rito.
Q: So application hosts lang — at hindi end customers — ang gagamit ng POWR?
A: Maaaring palitan ng end consumers ang POWR ng Sparkz at gamitin ito sa platform across applications.
Q: Sa P2P trading class, paano nagagawa ng isang peer ang pag-transfer ng physical electricity sa isa pang peer?
A: Sa pamamagitan ng poles at wires, ina-account for laman ng system ang lahat ng imports at exports, at ina-allocate ang Sparkz accordingly.
Q: Pero ginagamit din ng traditional energy retailer ang parehong poles at wires para singilin ka per kWh. So ibig sabihin, kailangan mong mag-disconnect mula sa kanilang suplay at bawat bahay ay mahihiwalay sa grid at kukuha ng enerhiya mula sa isa’t isa. O kailangan mo ng energy retailer?
A: Nakatatanggap ang network provider ng araw-araw na supply charge.
Q: So 1 Sparkz = 1 cent (AUD)?
A: Oo.
Q: So basically ibebenta namin ang solar panel excess energy namin para sa parehong halagang binabayad namin para rito?
A; Oo. Ang pagbili nito nang mas mura kaysa sa grid at ang pagbenta nito nang mas higit sa iyong utility ay ang siyang magbabayad para rito.
Q: ‘Di ba kailangan ng POWR ang partnership nito sa bawat energy retailer on board para i-sync ang communication nito with existing energy grids?
A: Hindi. Sa regulated energy markets, kinakailangan lamang ang partnership with one retailer or a body with retailer rights tulad ng condo or strata body.
A: Hindi. Ang POWR ay nagse-settle ng energy trades virtually in P2P mode.
A: Hindi, bilang ang mga grupo ay maaaring mangalakal sa isa’t isa mayroon mang retailers o wala. Depende sa application.
Q: Ano ang mga susunod na tinututukan n’yo ngayon?
A: Application development at platform growth, base sa roadmap.
Q: Ano ang mangyayari sa Power Ledger kung mag-offer ng mas malaking rebate sa users na may sobrang kuryente ang energy companies na ayaw makipag-partner?
A: Maaari pa rin kaming mag-operate sa unregulated markets, sa malaking merkado sa likod ng meter, at pati na rin sa microgrids.
Q: Gusto kong makakita ng isang working example ng nagaganap na pagbili at pagbenta.
A: Magandang ideya. Mag-o-organize kami ng isang para sa public viewing kapag nagkaroon ng pagkakataon.

