Power Ledger, ibinunyag ang pinakamalaking ‘choose your own energy source’ project sa France at sa buong mundo

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
3 min readApr 1, 2020

● Power Ledger at green energy retailer ekWateur, nakatakdang i-roll out ang energy trading platform sa 220,000 electricity meters sa buong France.

● Maaaring pumili ang customers ng uri ng renewable energy na nais nilang bilhin, pati na rin ang pagkukunang lokasyon, na sertipikado sa pamamagitan ng blockchain.

● Ang ikalawang yugto ng proyekto ay magbibigay-daan upang makabili at makapagbenta ng excess renewable energy ang mga residente sa pamamagitan ng peer-to-peer energy trading gamit ang isang feature ng bagong produkto ng Power Ledger na Vision.

Paris, France — 1 April 2020: Nakipagkasundo ang Power Ledger sa green energy retailer na ekWateur upang i-revolutionize ang electricity market ng France gamit ang teknolohiyang hahayaan ang consumers na i-customize ang kanilang energy mix sa kauna-unahang pagkakataon.

Mahigit 220,000 electricity meters sa buong France ang magkakaroon ng access sa bagong blockchain-enabled product ng Power Ledger na Vision, na nagsesertipika sa pinagmulan at pinagkukunan ng renewable energy.

Pahihintulutan ang households na pumili ng kanilang sariling energy mix at i-track ito in 30-minute intervals, at pumili ng isang sertipikadong pagkukunan at pagmumulan ng nabiling renewable energy.

“Napatunayan ng Power Ledger na gumagana ang teknolohiya at handa na kami ngayon para sa full-scale country rollout na magiging pinakamalaking proyekto namin sa ngayon. Kauna-unahan din ito sa buong mundo at sa energy trading, kung saan ang customers ay maaaring pumili ng kanilang energy mix habang kampate silang sertipikado ito sa pamamagitan ng isang immutable blockchain platform,” wika ni Power Ledger executive chairman Dr Jemma Green.

Ang nasabing teknolohiya ay magiging live sa buong network ng ekWateur sa dulo ng 2020.

“Nais man ng consumers na kumuha ng enerhiya mula sa solar rooftop panel ng kanilang mga kapitbahay, o mula sa isang wind farm sa Bordeaux, bibigyan sila ng aming platform ng pagpipilian at kontrol sa kanilang enery source,” dagdag ni Dr Green.

“Kung nais ng mundong makamit ang Paris climate targets upang mabawasan ang greenhouse gas emissions by 40 percent pagdating ng 2030, kinakailangan nating mag-umpisa sa pagbibigay ng kapangyarihan sa bawat household na piliin ang paggamit ng malinis na enerhiya. Ang proyektong ito ay nagpapatunay ng commercial opportunities ng aming teknolohiya.”

Ang ekWateur ay nag-aalok ng sandaang porsyentong renewable energy mula sa wind turbines, solar panels, at maging sa hydro power plants.

“Ang teknolohiya ng Power Ledger ay akma sa aming vision,” wikia ni ekWateur CEO Co-founder at CEO Julien Tchernia.

“Mahalaga ang transparency para sa eKWateur. Mula pa noong umpisa, layon na naming makapag-alok ng mga makabagong serbisyo sa aming mga kliyente upang bigyan sila ng layang makilahok sa transisyon ng energy market.

Ang Power Ledger ay may iba’t ibang large-scale projects kasabay sa pakikipagtulungan ng utilities at mga pamahalaan sa buong mundo, tulad ng sa Thailand, Japan, Australia, Malaysia, India, Austria, at Estados Unidos.

Tungkol sa Power Ledger

Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.

Tungkol sa ekWateur

Ang ekWateur ay isang green energy retailer at aggregator na nagsusuplay ng sandaang porsyento ng renewable electricity mula sa wind turbines, photovoltaic panels, at hydraulic dams. Ito rin ay ang kauna-unahang kompanya sa France na nag-aalok ng 100-percent renewable gas mula sa biomethane at 100-percent renewable wood logs na yari naman sa oak sawdust mula sa sustainably managed French forests. Noong 2018, nakatanggap ang kompanya ng Charge Award mula sa World’s Best Green Brand.

--

--