Power Ledger: Naninindigan Para sa Tama sa Mga Panahong Hindi Ka Inanyayahan sa Laban

Ralph Revelar Sarza
Powerledger
Published in
9 min readDec 28, 2018

Sa nalalapit na pagtatapos ng taong kasalukuyan at opisyal na pagpasok ng 2019, ating balikan ang mga pinagtagumpayan ng Power Ledger ngayong 2018.

Power Ledger co-founders John Bulich, Jemma Green, at Dave Martin.

Ang 2018 ay nakalimbag na sa kasaysayan ng Power Ledger bilang isang mahalagang taong siksik sa mga pagbabago at mga napagtagumpayang pagsubok.

Sa kabila ng aming matagumpay at kauna-unahan sa Australia na Initial Coin Offering (ICO), siguradong pondo sa mga darating na taon, at pag-akyat at pagbulusok ng crypto market, hinarap namin ngayong 2018 ang oportunidad at hamong simulang patakbuhin ang mga pagbabagong nakabalangkas sa aming whitepaper.

Energy Reimagined

Naniniwala kaming ang pag-empower sa mga tao at komunidad upang i-co-create ang kanilang energy future ay susuporta sa development ng isang power system na matatag, abot-kaya, zero-carbon, at pagmamay-ari ng sangkatauhan… (Power Ledger White Paper 2017.)

Ang Problema

Ang pilosopiyang nagpapatakbo sa Power Ledger ay hindi nagbago mula nang nabuo ang kompanya noong 2016.

Nakita naming ang energy system ay sumasailalim sa isang napakalaking technological transformation.

Hinamon ng distributed renewables na pagmamay-ari ng consumers ang mga tuntunin ng laro; ang luma at sentralisadong pagtingin sa power system at ang istraktura ng pamamahalang nagpapatnubay sa development at operasyon ng sistema sa mga nakaraang dekada ay sadyang hindi na makatwiran, ngunit wala tayong nakitang sinumang gumawa ng mga hakbang upang baguhin ang mga panuntunan.

Ang Power Ledger platform ay iminungkahi para sa pagkakaroon ng panibagong hanay ng mga patakaran — hindi namin gustong baguhin ang laws of physics, bagkus ay gusto naming baguhin ang mga patakaran ng merkado.

Subalit ang pagbago sa mga patakaran ng laro ay mahirap isakatuparan lalo na kung hindi ka imbitado sa mismong laro.

Ang distributed energy trading platform ng Power Ledger ay una nang ipinakilala sa Australia sa Busselton Lifestyle Village at sa New Zealand kasama ang Vector Energy bago ang ICO nito, kaya alam naming mayroon itong technology capability upang maghatid ng mga repormang sa tingin namin ay kinakailangan. Ngunit ang pagkamit ng traksyon sa isang mabagal na merkado ay hindi naging madali kailanman.

Bago magtapos ang 2017, aming inanunsyong nais naming magsagawa ng trial ng aming peer-to-peer trading platform sa pakikipagtulungan ng Australian Energy giant na Origin Energy.

Ang Origin trial ay gumamit ng isang taong halaga ng energy consumption at production data mula sa 200 customers ng Origin, at sinabayan ng pagsasagawa ng P2P trades para sa distributed renewables sa Power Ledger platform at pagpapakita ng impact sa energy bills ng consumers at revenues ng Origin.

Mula sa aming pananaw at dahil sa iba’t ibang kadahilanan, ang nasabing proyekto ay naging matagumpay.

Bilang resulta ng trial na ito, naipakita namin nang wasto ang application ng agreed trading rules, ang pagbili at pagbenta ng energy sa magkakaibang kabayaran at taripa sa pagitan ng iba’t ibang uri ng customers, at ang aming kakayahan i-record ang impormasyong ito sa blockchain.

Ngunit hindi naging tuloy-tuloy ang proyekto noong mga panahong iyon.

Noon ding mga panahong iyon ay nakaambag sa itinuring ko at ng Power Ledger team na setback ang iba’t ibang kadahilanan. Pagkatapos ng trial, nagdesisyon ang Origin na mag-focus sa pagpapalawak ng kanilang Home Energy Management and distributed energy solutions bago isaalang-alang ang customer trials ng P2P trading.

Pagdating sa lahat ng mga makabagong teknolohiya, may mahalagang papel ding ginagampanan ang regulatory factors.

Hindi ipinagbabawal ng existing regulations ang peer-to-peer trading. Sa katunayan, hindi isinasaalang-alang ng regulations ang peer-to-peer trading, na nangangahulugan namang hindi pa naisusulat ang tinatawag na “how to” rules.

Naghahari ang mga panuntunan sa mga heavily regulated na industriya tulad ng energy industry.

May mga iminungkahi kaming pagbabago sa mga patakaran kahit hindi kami inanyayahan sa laban.

Siyempre, sa puntong ito ay hindi na sa amin bago ang paghamon sa mga patakaran.

Nangunguna Bilang Ehemplo

Ang Power Ledger ICO, habang maaaring ituring na pinaka-transparent na ICO na isinagawa sa Australia, ay pinangasiwaan noong mga panahong isinasaalang-alang pa lamang ang mga panuntunang nakapalibot sa bagong funding model na ito.

Hindi hindi malinaw ang mga panuntunang nakapalibot sa ICOs, ang mga panuntunan namang nakapalibot sa ibang mga porma ng fundraising ang malinaw na naiintindihan. Humantong kami sa isang corporate decision upang maaninag ang mga prinsipyo ng traditional funding arrangements na ito sa aming ICO.

Nagsagawa kami ng ICO sa pamamagitan ng agency ng aming corporate, Pty Ltd, structure.

Naglathala kami ng malinaw na disclosure documents, gumawa kami ng malinaw na terms and conditions para sa participation, at hindi namin pinayagan ang retail investors sa jurisdictions kung saan hindi pinahihintulutan ang ICOs.

Ang lahat ng nakilahok sa aming ICO ay malinaw na pinaliwanagan tugkol sa mga panganib at oportunidad ng partikular na prosesong kanilang nilahukan.

Kapag ikaw ay nasa bull market, kaibigan mo lahat. Ngunit kapag bagsak ang merkado, madalas ring magsimula ang sisihan.

Palagi naming sinasabing hindi namin kontrolado ang merkado, at ang kaya lamang naming gawin ay ang walang pagod na pagtatrabaho upang lubusang mapalago ang aming negosyo.

Ang kritisismo ay isang bagay na hindi maiiwasan ng mga katulad naming organisasyon.

Hindi natatangi ang problemang hinaharap namin; kahit ang pinakamagaling na producer ng ginto sa buong mundo ay maaaring hindi kumita sa commodity prices, na hindi nila lubusang kontrolado.

Maaaring sumama ang loob ng shareholders, at may karapatan silang magtanong ng mga nauukol na katanungan sa shareholder meetings.

Araw-araw na nakakakuha ng mga ganitong tanong ang Power Ledger. Sa katunayan, ginawa namin ang mga forum para sa mga ganitong pag-uusap na nagbibigay naman ng mas mataas na antas ng transparency kumpara sa napakaraming mga kompanya sa non-blockchain space.

Mayroon kaming pinapanatiling chat groups sa English, Japanese, Thai, Korean, Filipino, at Mandarin upang panatilihing informed ang mga tao tungkol sa business, masagot ang kanilang mga katanungan, at makapagbigay ng ongoing disclosure — ngunit ang platforms na ito ay naging kanlungan din para sa mga troll.

Hindi lamang sila mga lone actors. Naranasan na rin naming masubok ng administrators ng major online communities na nagbantang magpapakalat ng mga negatibong komento laban sa amin kapag hindi namin sila binayaran upang gumawa ng positibong content — mayroong sariling currency ang FUD (fear, uncertainty and doubt).

Itinuturing namin ito bilang pangingikil, at hindi kami bibigay sa ganitong uri ng pananakot, ngunit nagpapahiwatig ito ng ilan sa mga pagsubok na hinaharap ng mga kompanyang tulad ng Power Ledger at kung paano kayang manipulahin ng mga taong may vested interest ang public opinion para magtagumpay sa kanilang sariling agenda.

Ang maaari lamang naming gawin ay magsikap sa pagbuo ng isang magandang negosyo, at iyan ang aming focus.

Nakikipagtulungan din ang Power Ledger sa Australian Taxation Office upang siyasatin ang taxation implications ng ICOs at kung paano gagamitin ang GST sa online sale ng cryptocurrency assets.

Ang kalalabasan ng mga pag-uusap na iyon ay magkakaroon ng material impact sa aming financial position, ngunit napaghandaan na namin ang kasama-samaan sa aming treasury management at palagi naming sinasabing kai ay palaging magiging bukas at transparent pagdating sa pagtugon sa aming corporate obligations.

Ang Power Ledger ay nagkaroon ng opsyong isagawa ang aming ICO sa pamamagitan ng isang digital foundation na walang governing jurisdiction (purportedly) tulad ng sa halos lahat ng ICOs na nauna sa amin. Maaari sana kaming gumamit ng shell companies at trust structures. Ngunit pinili naming maging mas mabuti. Ginusto naming itaas ang pamantayan ng kalidad.

Ginusto naming isagawa ang aming negosyo sa paraang transparent at itatayo ang pagkalehitimo ng umuusbong na cryptocurrency at ICO markets at kumpiyansa sa Power Ledger.

Pag-unlad & Mga Proyekto

Naipakita ang aming focus sa pamamagitan ng mga bagay na napagtagumpayan namin sa 2018. May mga proyekto kaming pinasinayaan sa Thailand, Japan, at Estados Unidos, at sinimulan din namin ang kauna-unahang trial sa buong mundo ng peer-to-peer energy trading sa isang regulated distribution network sa Fremantle, Western Australia, RENeW Nexus, kaagapay ang aming project partners na Curtin University, Western Power, Synergy, at energyOS.

Ang T77 project sa Thailand ay isang partnership kasama ang Thai government-owned renewables developer BCPG gamit ang MEA network upang magbenta ng excess solar energy sa pagitan ng ilang commercial at retail buildings sa Bangkok.

Sa Japan, nakikipagtulungan sa pinakamalaking pribadong electricity retailer doon, ang KEPCO, upang mag-develop ng isang Virtual Power Plant model na tutulong sa pagtugon sa mga hinaharap na hamon ng Japan pagdating sa excess solar generation.

Sa East Coast ng USA, nakatakdang gamitin ng American PowerNet ang Power Ledger system upang magbenta ng excess solar energy sa dalawang commercial customers na konektado sa local distribution network. Sa West Coast naman, nakikipagtulungan kami sa Silicon Valley Power upang mag-develop ng isang platform para sa pagsukat, validation, at reporting ng Low Carbon Fuel Substitution credits.

Sa Australia, isang malawak na sustainable communities research project — na kinapapalooban ng utilities, mga unibersidad, at mga ahensya ng gobyernong bahagyang pinopondohan ng isang grant mula sa Commonwealth Government bilang bahagi ng Smart Cities and Suburbs program — ang makakasaksi sa pag-install ng Power Ledger ng isang community-scaled battery upang suportahan ang provision ng low-cost at low-carbon energy supplies sa mga residente ng isang sustainable housing development sa Fremantle.

Nasa commercial deployment na rin ang platform ng Power Ledger sa tatlong magkakahiwalay na strata developments sa White Gum Valley.

Noong nakaraang Septiyembre, inanunsyo namin ang aming pakikipagtulungan sa Vicinity upang i-trial ang aming platform sa kanilang Castle Plaza Shopping Centre sa South Australia bilang bahagi ng kanilang $75-million industry-leading solar program.

Ang mga proyekto sa kabuuan ay hindi kumakatawan sa malaking halaga ng kita, ngunit hindi iyon ang punto.

Ang POWR economy at ang Power Ledger business model ay hindi nakatantiya sa malaking kita o napakalaking trading fees.

Ang layunin ng aming platform ay bigyan ng pagkakataon ang ibang taong pagkakitaan ang kanilang ipinuhunan sa distributed energy sources sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kanilang ibenta ang kanilang excess energy — kung kami ay mayroong malaking trading fees itatambad namin ang aming mga sarili sa disruption.

Sa halip, ginagamit namin ang POWR token bilang isang alternatibo sa SAAS fees o platform subscription fees. Nagbibigay-daan ito upang makalikha kami ng isang liquid trading environment na maaaring magprotekta sa platform users kahit na humaharap sa financial distress ang kanilang electricity provider.

Tinuturuan kami ng basic economics na kapag mas mataas ang demand na nililikha namin para sa POWR tokens, mas malaking benepisyo ang naiipon para sa POWR token holders.

Sa pag-mature ng cryptocurrencies, inaasahan naming ang mga presyo ng iba’t ibang tokens ay magsisimulang ipakita ang real-world value at tagumpay ng kanilang mga produkto — hindi lamang haka-haka. Tinitiyak naming kami ay bubuo ng isang internally sustainable business model na maaaring magpatuloy nang walang crypto boom and bust, at plano naming maisakatuparan ito sa pamamagitan ng paglikha ng demand para sa POWR token sa tulong ng deployments.

Kami at ang aming mga tagasuporta ay parehong makikinabang dito, ngunit ito ay isang katotohanang hindi pinahahalagahan o nauunawaan ng nakararaming mainstream commentators na naniniwala pa ring kita ang naghahari sa mundo.

Ang isa sa side effects ng innovation ay ikaw ay nagiging test case para sa lahat ng mga kasunod mo.

Hindi namin kailanman inurungan ang paghamon sa mga tanong at opinyon. Sa mundo kung saan napakadaling mangharang at magbawal sa unang litaw pa lamang ng negativity, kaya naming makipagsabayan. Kahit papaano ay nagpapasalamat kami sa aming mga kritiko dahil sila ang dahilan kung bakit iba kami kung mag-isip at patuloy kami sa paglikha ng mga pagbabago.

Ang innovators ay lumilikha ng pagbabago, ang commentators ay nagkokomento, ang haters ay namumuhi, at ang mga taong pinipigilan ang pagbabago ay napag-iiwanan.

Team Growth

Ang staff ng Power Ledger lumaki mula sa humigit-kumulang 12 full-time at contract staff in the lead up to the ICO hanggang sa mahigit 30 sa katapusan ng taong ito. Ngunit sa kabila ng aming paglaki, hindi rin namin naiwasan ang mga pagsubok.

Kapag ikaw ay nasa isang mabilis na growth phase, ang pagpapapasok ng high-quality staff sa negosyo ay talaga namang kinakailangan, ngunit sa kasamaang-palad nagkakamali ka minsan dahil sa kagustuhan mong agad na makapaghatid ng kakayahan.

Kahit iniisip kong ang lahat ng sumali sa negosyo ngayong taon ay dumating nang may mga mabubuting intensyon, mataas ang kasanayan, at tunay na mabubuting tao, ang high-pressure at rapid-change nature ng isang startup ay hindi para sa lahat.

Habang ang iba ay piniling umalis, ang iba naman ay kinailangan naming pakawalan.

May mga tauhan kaming iniwan ang negosyo habang puspusan naming hinahanap ang tamang istrakturang maghahatid sa amin pasulong. Marami rin kaming naisali.

2019 at Higit Pa

Nakatuon kami ngayon sa hinaharap, sa isang bagong taon kung saan ang aming pagsisikap na ipakita ang pagiging epektibo ng aming platform ay magbibigay-daan upang makapaghatid kami ng mga proyektong dala ng aming pagpupunyagi.

Ang aming 2019 ay nakatuon sa market growth and scale at sa patuloy na pagpapaunlad ng carbon and asset financing products.

Ang taong ito ay puno ng kahanga-hangang pakikipagsapalaran.

Lumaki ako sa utilities kaya naman itinuturing kong isang kahanga-hanga, mapaghamon, nakakabigo, at nakapagpapasiglang karanasan ang buong startup life na ito, at sa tingin ko’y araw-araw na natututo at lumalago ang negosyo.

Hindi kami kailanman naging perpekto, pero sa tingin ko’y mas maraming ang ginawa naming tama kaysa mali. Naayos namin ang mga bagay na aming sinira, at sinama namin sa aming karanasan ang aming partners at mga tagasuporta.

Susubukan pa rin naming baguhin ang mga panuntunan upang gawing napakahalagang bahagi ng ating energy future ang distributed renewables. At sa totoo lang, wala kaming pakialam kung imbitado kami sa laban o hindi.

Ang paglikha ng pagbabago ay napakahalaga para sa amin kaya walang sinumang kritiko ang magpapahina sa aming loob.

--

--