Power Ledger, Powerclub, sonnen, at Natural Solar nagsanib-pwersa upang tulungan ang mga Australiano na makatipid sa pamamagitan ng Virtual Power Plant project
Highlights
- Energy tech collective, nagsanib-pwersa upang maghatid ng electricity savings sa South Australian households.
- Pinakamalaking solar battery manufacturer sa buong mundo na sonnen at solar panel provider Natural Solar, nakilahok sa Power Ledger at Virtual Power Plant (VPP) project ng Powerclub.
- Ang proyekto ay magbibigay-daan upang mapalapit ang households sa A$4500 South Australian battery subsidy schemes na nakasabe sa eligibility
- Ang unang 20 installations ay makatatanggap ng A$500 discount para sa paglahok sa pilot
MEDIA RELEASE — 18 December 2019: Nakipagsanib-pwersa ang Australian energy trading technology company na Power Ledger at wholesaler energy retailer na Powerclub sa sonnen at Natural Solar upang ilunsad ang kanilang Virtual Power Plant pilot.
Noong nakaraang buwan, pumirma ng kasunduan ang Powerclub upang ialok ang blockchain-based energy trading platform ng Power Ledger sa Members nito, na siya namang nagbigay-daan upang i-pool ng participating households ang kanilang net solar battery storage upang kumilos bilang isang Virtual Power Plant (VPP).
Nagkakaroon ng VPP kapag ang isang network ng home solar photovoltaic (PV) at battery systems ay nag-pool ng kanilang stored energy at at isinasalang ito sa grid upang ang mga konektadong households at ang mas malawak na community ay kayang magkaroon ng access sa mas abot-kayang solar-generated power.
“Ang VPP technology ng Power Ledger ay binibigyan ng kakayahan ang participants na mag-export ng kanilang stored solar energy sa peak periods ng demand, na nagbibigay naman sa kanila ng pinakamataas na halaga para sa kanilang exports habang pinakakalma ang pressure sa grid at binabawasan ang carbon footprint ng Australia mula sa fossil fuels,” pahayag ni Power Ledger Co-founder at Executive Chairman Dr Jemma Green.
Upang i-enable ang pilot program para sa Powerclub at VPP Project ng Power Ledger, nakipagsanib-pwersa ang duo sa pinakamalaking solar battery manufacturer sa buong mundo, ang sonnen, at sa solar panel provider na Natural Solar upang maghatid ng imprastrakturang kailangan sa pag-roll out sa households sa South Australia.
“Ang Natural Solar ay palaging nakatutok para sa innovative technologies na nagtutulak sa mga hangganan at napakikinabangan ng aming customers sa buong bansa. Ang teknolohiya ng Power Ledger, kasabay ng no-profit processes ng Powerclub, ay isang pekpektong halimbawa nito bilang pinahihintulutan nito ang individual households na epektibong makapagkalakal ng kuryente tulad ng isang stock market,” wika ni Chris Williams, CEO at Founder ng Natural Solar.
“Ang teknolohiya ay isang extension sa peer-to-peer (P2P0 platform ng Power Ledger, na kasalukuyang naka-deploy sa iba’t ibang sites sa mundo at Australia at nangangasiwa sa pag-charge ng home batteries sa low price periods sa National Electricity Network (NEM) at pag-discharge ng energy sa high price periods.
Ang South Australian households ay magkakaroon ng pagkakataong mapalapit sa $4500 battery subsidy schemes ng estado na nakabase sa eligibility, at ang unang 20 Powerclub Members na magsa-sign up sa pilot ay makatatanggap ng $500 discount.
“Inaasahan naming ang VPP ay maghahatid ng libu-libong taunang electricity savings para sa mga kalahok na South Australians,” ayon kay says Powerclub Founder at CEO, Stuart McPherson.
Ang Members ng Powerclub ay magkakaroon ng access sa teknolohiya ng Power Ledger, na magbibigay-daan upang pagkakitaan ng households ang power price spikes at demand shortages.
“Traditionally, ang energy companies ay maaaring mag-alok ng standard payments o incentives nang maaga kapag nakita nila ang spike sa demand, ngunit hindi kasama sa mga ito ang aktuwal na energy contribution na nililikha o maaaring likhain ng customers,” dagdag ni Dr Green.
Sa ilalim ng umiiral na sistema, ang energy consumers ay sakop ng karagdagang hidden costs at mark-ups ng electricity retailers upang i-cover ang supply costs. Ang Powerclub Members na namumuhunan sa solar at battery storage ay mayroong real-time access upang i-leverage ang wholesale market.
“Isinusulong nga mga mahahalagang advances sa teknolohiya ang home battery storage market at mabilis nilang isine-set ang pamantayan para sa households sa Australia,” wika ni Mr Williams.
“Walang humpay ang Powerclub sa paghahanap ng mga bago at mas magandang paraan upang tulungan ang Australians sa bumili, gumamit, at magbenta ng energy. Ang VPP solution ay magbibigay-daan upang pagkakitaan ng participating Members ang kanilang solar exports habang pinupuno ang grid ng malinis at makakalikasang solar energy sa mga pagkakataong pinakakailangan ito nito,” wika ni Powerclub CEO at Founder Stuart McPherson.
Ang pilot ay inaasahang lalawak patungo sa east coast sa susunod na taon kasabay ng full-featured VPP na magiging available sa Members sa mid-2020. Bisitahin ang Powerclub website para sa mga detalye kung paano makilahok sa pilot.
***
Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.
Ang Powerclub ay isang Melbourne-based wholesale energy retailer na may innovative technology na idinisenyo upang pakinisin ang highs at lows ng energy market. Ang kompanya ay ang kauna-unahang Member-owned Australian energy retailer at pinagkakaisa ang komunidad kalakip ang mas magandang paraan ng pagbili, pagbenta, at paggamit ng enerhiya. Ang kompanya ay tumatakbo sa NSW, VIC, QLD, SA, at sa ACT.
Ang Natural Solar is ay ang nangunguna at pinakamalaking solat battery installer sa Australia. Itinayo noong 2012, ang Natural Solar ay nakapagkompleto ng ilan sa mga pinaka-high profile na solar at battery installations sa buong mundo, at may reputasyon at kadalubhasaan sa pag-develop ng bespoke energy storage solutions na angkop sa residential, commercial, at development markets.