Project Update: Fremantle Smart City Development
Noong 2017, nagbigay ng grant ang gobyerno ng Australiapara sa $8 milyong proyekto sa lungsod ng Fremantle na gagamit ng Power Ledger platform. Narito ang update sa kung ano ang mga nangyari mula noon.
Nobyembre ng nakaraang taon nang inanunsyo ng gobyerno ng Australia na magbibigay ito ng $2.57 milyong pondo para sa isang makabagong proyekto sa lungsod ng Fremantle. Ang natitirang $5.68 milyon namang kakailanganin ng nasabing proyekto ay popondohan sa pamamagitan ng iba’t ibang project partners tulad ng Curtin University, Murdoch University, Curtin Institute of Computation, LandCorp, CSIRO/Data61, CISCO, at Power Ledger.
Susubukan ng nasabing proyekto ang paggamit ng blockchain-powered distributed energy at water systems. Ang naturang proyekto rin ay pangalawa sa mga pinakamalaking tumanggap ng grant sa buong Australia, kasunod lamang ng proyektong “Switching on Darwin.”
Project Update
Noong ika-1 ng Pebrero, nagpulong sa kauna-unahang pagkakataon ang Project Consortium sa Power Ledger office. Dalawampu’t anim na miyembro ng Consortium at ilang potensyal na contractors ang dumalo. Mahalaga ang nasabing pulong sa pagtukoy kung ano ang magiging responsibilidad ng bawat project partner at kung sino ang direkta nilang makakatrabaho. Tinalakay din namin ang Project Charter at nagkaroon ng mahahalagang diskusyon tungkol dito.
Sa sumunod na linggo, nilagdaan ng Curtin University ang Grant Agreement kasama ang gobyerno, at nangangahulugan itong ang scope at deliverables ay napagkasunduan na at maaari na naming umpisahan ang proyekto!
Ano ang Papel na Gagampanan ng Power Ledger?
Ang Power Ledger ay magbibigay ng transactional layer para sa renewable assets pati na rin sa ownership model para sa community-owned battery.
Magde-develop kami at magme-maintain ng lahat ng blockchain applications ng proyekto na magpapakita kung paano gumagana ang blockchain technology kasama ang co-located assets pati na rin ang assets sa ibang lokasyon, tulad ng off-site solar farm na pinlano para sa South Fremantle.
Ang data ay makikipag-ugnayan din sa water assets. Kung mayroong sobrang on-site energy generation, maaari itong gamitin sa mga water treatment systems agad-agad kaysa maghintay kaysa maghintay hanggang gabi kung ang enerhiya ay mas mahal. Ang assets ay mapupunta sa isang water-energy synergy upang makinabang sila sa isa’t isa — tulad ng kanilang sariling ecosystem.
Ano’ng Susunod?
Ang susunod na Consortium Meeting ay gaganapin sa Marso, kung saan tatapusin namin ang anumang kailangan itayo sa greenfield site at sisiyasatin ang naitayo nang mga potensyal na lokasyon.
Ang unang hakbang ng Power Ledger ay makuha ang battery at makipagtulungan sa iba’t ibang stakeholders upang makahanap ng pinakamagandang lokasyon para rito sa loob ng lungsod ng Fremantle. Nakadepende ito sa kakayahan ng battery na makapag-alok ng anumang serbisyo sa network operator, Western Power, o kung mas matipid na ilagay ito sa Knutsford precinct o sa tabi ng South Fremantle solar farm.
Project Timeline
Nagsisimula pa lamang ang proyekto, at inaasahan itong magtatapos sa June 30, 2019.

