WA property developers, isinusulong ang mas maayos na smart tech; Power Ledger, integrated sa Midland timber mixed-use development
Highlights
● Ang peer-to-peer (P2P) energy trading technology ng Power Ledger ay ii-install sa siyam na apartments sa isang timber-based, mixed-use development sa eastern suburbs ng Perth.
● Ang DeHavilland Apartments ng Bluerock Projects ay magiging first-of-its-kind development sa Western Australia.
● Ang energy management and embedded network management business na Element47 ay pangungunahan ang pag-integrate ng platform ng Power Ledger upang makapaghatid ng isang internal auditing system ng energy consumption ng buong gusali.
Midland, Western Australia — 16 December 2019: Magiging in-built na ang peer-to-peer (P2P) energy trading technology ng West Australian energy trading technology company na Power Ledger sa isang timber-based mixed-use development in sa silangang bahagi ng Perth.
Sa pakikipagtulungan ng energy management and embedded network management business na Element47, ang platform ng Power Ledger ay magiging integrated sa DeHavilland Apartments ng Bluerock Projects upang bigyan ng kakayahan ang siyam na households at isang commercial space na maghati-hati sa isang solar photovoltaic (PV) system at SENEC battery upang mag-trade ng solar energy sa isa’t isa gamit ang SATEC advanced smart meters.
Ito ay ang kauna-unahang timber multi-residential, mixed-use medium rise development sa estado. Ayon kay Power Ledger Co-founder at Executive Chairman Dr Jemma Green, na-highlight nito kung paano makatutulong ang property industry sa pagsulong ng institutional change patungo sa mga bagong teknolohiya at sustainable development.
“Ang property industry, kabilang ang developers, urban planners, at mga arkitekto, ay isinusulong ang mga komunidad sa hinaharap. Sa pamamagitan ng pagplano ng mga bagong teknolohiya tulad ng platform ng Power Ledger sa mga bagong proyekto, ang developers ay naglalatag ng mga pundasyon para sa mga susunod na henerasyon ng energy systems,” wika ni Dr Green.
Matatagpuan sa Midland, DeHavilland ang pinakabago sa mga serye ng property development kung saan integrated ang teknolohiya ng Power Ledger mula sa pagbuo ng disenyo, kasunod ng developments sa Fremantle.
“Ang platform ng Power Ledger ay maituturing na isang state-of-the-art technology para sa mga bahay sa hinaharap. Ang mga may-ari ay umaasa sa mas makakalikasang energy options at ang Power Ledger ay hindi lang naghahatid ng mas maraming gamit para sa renewable infrastructure, ito rin ay nagbibigay-daan upang makilahok ang solar owners sa energy trading markets na dati ay hindi para sa kanila,” dagdag pa ni Dr Green.
Kapag naka-integrate sa advanced smart meters, ang platform ng Power Ledger ay nakapagbibigay ng isang internal auditing system para sa buong energy consumption ng isang development.
“Unti-unti nang nagiging makakalikasan ang mga homeowners sa kanilang pagbili, maging sa damit man ito, kotse, at lalo na sa kanilang mga bahay. Ang energy systems ay ang mahalagang bahagi ng overall environmental picture para sa future developments,” wika ni Bluerock Projects Director Stuart Hawley.
Imo-monitor ng teknolohiya ng Element47 ang energy use sa mixed residential complex, na siya namang magbibigay ng mas malinaw na pagsusuri sa kung saan kinukonsumo ang karamihan sa enerhiya, at ito’y makapaghahatid ng efficiency audits mula sa mga gamit tulad ng refrigerators, air conditioners, mga ilaw, at telebisyon.
“Nagbibigay ng malaking kontrol sa homeowners ang Element47 upang bawasan ang kanilang gastos sa enerhiya, sa tulong ng platform ng Power Ledger na magbibigay sa’yo ng pagkakataong mas pakinabangan ang solar energy potential ng iyong gusali,” wika ni Element47 Chief Technical Officer Andrew Haning.
Ang development ay inaasahang makokompleto sa dulo ng 2019.
Ang Power Ledger ay may mga aktibong proyekto sa metropolitan at regional Western Australia pati na rin sa iba’t ibang mga bansa tulad ng Austria, Thailand, Japan, at Estados Unidos.
***
Tungkol sa Power Ledger
Ang Power Ledger ay isang Australian technology company na nakapag-develop ng isang blockchain-enabled renewable energy trading platform. Ang teknolohiya ng Power Ledger ay nanalo ng global Extreme Tech Challenge award mula kay Sir Richard Branson noong 2018. Ang kompanya ay nakapagbuo na ng isang serye ng mga produkto upang magtaguyod ng trading, renewable asset financing, at mas mahusay na carbon and renewable energy credit markets.
Tungkol sa Element47
Ang Element47 ay isang energy management and embedded network management business na nagta-track ng energy consumption sa commercial at residential buildings. Ang teknolohiya ng kompanya ay may kakayahang tukuyin ang inefficiencies sa energy use sa pamamagitan ng komprehensibong audits sa energy expenditure. Eksaktong ipinakikita ng Element47 sa users kung paano, kailan, at saan ginagamit ng isang gusali ang kuryenteng ihihatid bilang isang digital dashboard at nagbibigay ng mga solusyon upang mas pahusayin ang energy efficiencies at i-renegotiate ang energy tariffs.