Weeknote: Ang digital na produkto ay nabubuhay at namamatay sa kamay ng “users

Weeknote #6

Angela Obias-Tuban
Priority Post
2 min readOct 21, 2016

--

‘Yung “users*” niyo yung bumubuhay sa kalakaran niyo sa digital.

(Gusto ko ‘yung salitang kalakaran para sa mga “start-up”. Pinapaalala niya na ‘pag gumawa ka ng app, o website para kumita — may pangangalakal na nagaganap, kahit pa serbisyo yan.)

Siyempre, binubuhay ka din ng “funding” o yung mga pumupundar sa’yo. At, oo naman, kailangan mo din pangalagaan yun.

Pero, kahit may pera ka pa, pero ayaw ka ng mga tao na gusto mo sanang gumamit sa produkto mo… E de, balik ka uli sa pagplano, isip ka ng mas maganda.

Kakaibang karanasan na makita ang isang startup team na humarap sa mga customer issue. At harapin sila ng may kagandahang-loob at class. Lalo na pag isa kang klase ng produkto na maaaring gumagamit o kumuha ng impormasyon o kaya bayad mula sa tao (e-commerce, o online na pamilihan, booking o kahit anong website na mayroong pinansiyal na impormasyon ng tao.)

*Pagpasensiyahan po ninyo pero wala pa kong nahahanap na mainam na pag-translate ng “users”. Pwede na rin naman ang “tao” .Pangit naman ang “manggagamit”. May pagka-laswa ang “customer”. Ang haba naman ng “taong-itinakdang-gumamit-ng-produkto” o “taga-gamit”.

Sa katunayan, ang gusto ko sanang translation ng “user experience” ay karanasang pantao.

Ang mga alam namin tungkol sa trabaho ay hindi lang nanggaling sa college degree, sa projects, boss at katrabaho — pero pati sa mga designer,developer,researcher, product manager at team na piniling i-bahagi at ipakita ang proseso at natutunan nila (ng libre) sa Youtube, blogs, websites, tutorials at MOOC (Massive Online Open Courses). Ito ang spirit ng “designing in the open”. Kung saan bukas na kinukwento ang mga proseso at output ng isang design team. Para lalong mapalago ang kaalaman ng buong industriya, pati na rin para makakuha ng feedback at dialogue tungkol sa trabaho.

(Para lalong maintindihan ang halaga at kagandahan ng open design, pwede niyong basahin ‘to.)

Dito sa weeknotes namin kinukwento ang mga nararanasan namin sa trabaho linggo-linggo. Bilang paggalang sa mga kliyente namin, hindi namin sila pinangangalanan o binabanggit. Lahat ng mga sinusulat namin dito ay isip at opinyon ng nagsulat.

Kung gusto niyo pa kaming samahan sa mga napapagdaanan namin linggo-linggo, sundan niyo kami dito sa Medium, FacebookoLinkedIn.Sali din kayo sa buwan-buwan namin na e-mail newsletter, para sa mga link at article na nakita naming useful sa trabaho at project.

--

--

Angela Obias-Tuban
Priority Post

Researcher and data analyst who works for the content and design community. Often called an experience designer. Consultant at http://priority-studios.com