Weeknote: Mga kailangang impormasyon kapag magsisimula tayo ng UX Research Project

Weeknote #7

Angela Obias-Tuban
Priority Post

--

Read this weeknote in English, here.

Ngayong linggo, na-isipan na naming i-document ng mas malinaw ang mga mahalagang impormasyon para sa kick-off ng UX Research project.

Ang mga sumusunod na details ay ang mga kailangan naming maintindihan tungkol sa trabaho o produkto ninyo:

Background

(Siguraduhin natin na naka-align ang research plan sa mga kailangan ng inyong business)

  1. Anu-ano product / service ang gagawin / i-d-design (galing sa User Experience research)
  2. Ano ang root or saan nagmula ang design project na ito? (Sa ibang salita: Ano’ng business need ang sinusubukan nitong masolusyonan?)
  3. May partikular bang gustong maintindihan ang mga designer / owner ng brand/business? Anu-ano ang mga ito?

Hindi lang background ng business ang kailangan para makaplano ng klarong research project pero pati:

Range o Sukat (Gaano “kalaki” o “kaliit” ang gagawin natin)

(Sinisigurado naman natin na naka-align yung operations or logistics ng research sa kakayahan ng business)

  1. Anu-ano ang realistic na budget range para sa project na ito? (Mas mahalaga na ma-i-scale natin ang delivery ng project, sa resources na meron; tulad ng natututunan natin sa “Lean methodology” at digital product development)
  2. Anu-ano ang mga existing na information na alam natin tungkol sa market ng business?
  3. Anu-ano ang mahahalagang deadline na hinahabol o hahabulin ng team?

Ito ang mga basic na tanong na sasagutin natin kapag magsisimula ang isang UX Research project — kasama ng ilan pang tanong, ito ang mga makakatulong para maging mas kapaki-pakinabang o useful ang mga resulta ng research.

Ang mga alam namin tungkol sa trabaho ay hindi lang nanggaling sa college degree, sa projects, boss at katrabaho — pero pati sa mgadesigner,developer,researcher, product manager at team na piniling i-bahagi at ipakita ang proseso at natutunan nila (ng libre) sa Youtube, blogs, websites, tutorials at MOOC (Massive Online Open Courses). Ito ang spirit ng “designing in the open”. Kung saan bukas na kinukwento ang mga proseso at output ng isang design team. Para lalong mapalago ang kaalaman ng buong industriya, pati na rin para makakuha ng feedback at dialogue tungkol sa trabaho.

(Para lalong maintindihan ang halaga at kagandahan ng open design, pwede niyong basahin ‘to.)

Dito sa weeknotes namin kinukwento ang mga nararanasan namin sa trabaho linggo-linggo. Bilang paggalang sa mga kliyente namin, hindi namin sila pinangangalanan o binabanggit. Lahat ng mga sinusulat namin dito ay isip at opinyon ng nagsulat.

Kung gusto niyo pa kaming samahan sa mga napapagdaanan namin linggo-linggo, sundan niyo kami dito sa Medium, FacebookoLinkedIn.Sali din kayo sa buwan-buwan namin na e-mail newsletter, para sa mga link at article na nakita naming useful sa trabaho at project.

--

--

Angela Obias-Tuban
Priority Post

Researcher and data analyst who works for the content and design community. Often called an experience designer. Consultant at http://priority-studios.com