Weeknote: ‘Yung feeling na nakapag-usability test ka ng maaga

Weeknote #5

Angela Obias-Tuban
Priority Post
3 min readSep 9, 2016

--

Maikli lang yung weeknote ngayon. At pinili namin maging subjective muna.

‘[Highlight ngayon] ‘Yung pakiramdam na nakapag-user test tayo kaagad. Ito yung frustration mo talaga sa corporate, kapag product designer ka. For the first time, we didn’t need to waste a lot of time explaining the value to stakeholders and clients.

Kumbaga kahit soft launch pa lang nakapag-test na tayo; open-minded sila na mapapakita ‘rin ng results ‘yung kailangan ma-improve. Tapos, very professional ‘yung paano tayo nakapag-come up with the process.

Ibang-iba din tuloy ‘yung pag-ayos ng output. — B

You can read this weeknote in English here.

Ang pinanggagalingan nito ay galing kami ni B sa maraming taon ng corporate at agency work, kung saan paulit-ulit na struggle ang pag-convince sa mga manager at kliyente (na siyang may hawak sa budget) na gumawa ng maraming round ng testing (sa iba-ibang stage ng fidelity or development).

Ang diskarte namin n’on ay mag-guerilla testing na fina-fund na lang…ng mga sarili namin. Pumapasok ng coffee shop at caf, nagpapagamit ng design o prototype; nagbabayad ng mumunting gift certificate o kaya student recruiter galing sa sarili naming bulsa.

Sobra kaming natuwa at sinuwerte sa mga kliyente namin ngayon. Na nagkataong parehong galing sa maraming tao ng pag-manage ng digital businesses (start-up o product manager), dito sa Manila at sa Silicon Valley sa U.S., at pareho silang suportado ang iterative design (design na nagfo-focus muna sa pag-launch ng essential na features, bago mag-dagdag at mag-develop ng iba).

At dahil di naman kami laging maswerte, ishe-share ko rin ang isa sa mga pinakamaganda kong nabasa tungkol sa halaga ng UX Research:

Ang mga alam namin tungkol sa trabaho ay hindi lang nanggaling sa college degree, sa projects, boss at katrabaho — pero pati sa mga designer, developer,researcher, product manager at team na piniling i-bahagi at ipakita ang proseso at natutunan nila (ng libre) sa Youtube, blogs, websites, tutorials at MOOC (Massive Online Open Courses). Ito ang spirit ng “designing in the open”. Kung saan bukas na kinukwento ang mga proseso at output ng isang design team. Para lalong mapalago ang kaalaman ng buong industriya, pati na rin para makakuha ng feedback at dialogue tungkol sa trabaho.

(Para lalong maintindihan ang halaga at kagandahan ng open design, pwede niyong basahin ‘to.)

Dito sa weeknotes namin kinukwento ang mga nararanasan namin sa trabaho linggo-linggo. Bilang paggalang sa mga kliyente namin, hindi namin sila pinangangalanan o binabanggit. Lahat ng mga sinusulat namin dito ay isip at opinyon ng nagsulat.

Kung gusto niyo pa kaming samahan sa mga napapagdaanan namin linggo-linggo, sundan niyo kami dito sa Medium, Facebook oLinkedIn.Sali din kayo sa buwan-buwan namin na e-mail newsletter, para sa mga link at article na nakita naming useful sa trabaho at project.

--

--

Angela Obias-Tuban
Priority Post

Researcher and data analyst who works for the content and design community. Often called an experience designer. Consultant at http://priority-studios.com