TAHANAN — Ang Aming Layunin

tahanan
Sa Bahay
Published in
4 min readJan 11, 2019

Para sa pamilya, para sa susunod sa henerasyon, para sa mga Pilipino.

Ang tahanan ay isang komunidad ng mga magulang at anak na naglalayong pag-usbungin ang kulturang Pilipino sa pagbabasa, pagtuklas ng iba’t-ibang bagay, at pagpapalawig ng relasyon ng bawat pamilya.

Sabi nga nila, “sa bahay nagsisimula ang lahat”; lahat ng matutunan ng bata, lahat ng asal nila, kahit ang pananalita, sa bahay galing. Ang nakikita sa magulang ay ginagaya ng anak. Sa tahanan, nais naming maging parte ng inyong paglalakbay bilang mga tagagabay sa susunod na henarasyon. Gusto naming magbigay ng payo at tulungan ang mga magulang ng makabagong henerasyon.

Sa panahon ngayon, naiintidihan ng tahanan na iba na ang paraan ng pagpapalaki ng mga bata. Ang mga selpon, computers at telebisyon ay malaking parte na ng ating mga buhay (bilang mga magulang). Kailangan nating sumagot sa mga tawag, kailangang magtrabho sa computer at magpahinga sa pamamagitan ng panunuod sa TV. Ngunit itong mga bagay na ito ay malaking balakid sa pagkatuto ng mga bata.

Marami nang pagaaral ang nagpatunay na ang pagharap sa TV at sa mga smartphones nang matagal na oras ay hindi nakabubuti sa mga bata. Ipinapayo pa nga ng mga eksperto na huwag pahawakin ng mga gadgets ang mga bata hanggang sa edad na 4. Ngunit bilang mga magulang, alam din namin kung gaano kahirap umayon sa mga palatuntuning ganito.

Laro — Tayo

Dahil sa pagtangkilik natin sa teknolohiya, hindi sa ito’y masama, nahihirapan ang maraming magulang na tumugon sa mga alintuntunin na makabubuti sa kanilang mga anak. Tulad nang aming sinabi, magulang din kami kaya naiintindihan namin kung gaano kahirap pagsabay-sabayin ang trabaho, ang gawain sa bahay, ang obligasyon sa pamilya, at ang pagaalaga ng anak. Tayo pa namang mga Pilipino ay malaki ang ibinibigay na importansya sa pamilya.

Ngunit kahit mahirap, gusto naming tulungan ang mga magulang (mga lolo, lola, tito, tita, kahit na mga ninong at ninang) na makagawa ng paraan upang maibalik ang isang kapaligiran kung saan maaari nilang linangin ang kanilang pagkamalikhain. Kailangan nila ng bahay na mag-uudyok sa kanilang maglaro.

Sa laro yayabong ang kanilang pagkatuklas sa sarili at sa mundo.

Sa tahanan, aming gagabayan ang mga magulang sa daang ito. Unti-unti tayong matututo at sabay-sabay tayong magkakamali. Hindi lahat ng araw ay magiging perpekto. May mga pagkakataong wala tayong ibang magagawa kundi i-abot ang smartphone at hayaan silang magkutingting nito. Kung gayon man, tuturuan namin ang mga magulang ng mga apps na maaaring gamitin ng inyong mga anak upang ang oras na kanilang gugugulin sa telepono ay maging produktibo at hindi mauwi sa panunuod ng hindi naka-filter na mga video sa Internet.

Kahit alam naming ma-trabaho ang pagaalaga ng tama, alam naming ang mga magulang na katulad ninyo ay walang ibang gusto kundi mapabuti ang mga anak. Kaya sa ating kumunidad, inaanyayahan namin ang mga magulang at ang mga bata na bumalik sa pagbabasa.

Laro — Basa

Sa pagharap ng hamon na ito, tayong mga modernong magulang ay dapat bumalik sa batayan na paraan kung paano natututo at nagtutuklas ang mga bata. Alisin ang mga bagay na nakagagambala sa kanilang pagkamalikhain. Lahat ng bata ay may potensyal na lumago at tayong mga magulang ang dapat na gumagawa ng mga oportunidad sa pagkatuto. Sa pagbabalik sa elementaryang gawain na pagbabasa, nagkakaroon ng pagkakataon ang ating mga anak na kuriin ang mga karakter ng istorya, mabuhay sa malikhaing mundo ng libro, at matuto ng mabuting ugali. Hayaan natin silang maging bida ng kanilang salaysay.

Ang isang kuwento’y kayang baguhin ang kanilang mundo.

Dahil alam namin ang importansya ng pagbabasa, ang tahanan ay maglalathala ng piling libro sa buong mundo upang maging kaakibat ng mga magulang sa paglalakbay na ito. Ang likas na pagkatalentado nating mga Pilipino ang nagdulot sa atin upang maging bilinguals at dahil dito, kami ay mangagasiwa ng mga aklat na nakalathala sa English at Filipino. Mayroon ding mga librong eksklusibong matatagpuan sa tahanan.

Bukod dito, ang mga magulang ay maaaring magpa-myembro sa tahanan kung saan silay makatatanggap ng natatanging materyal, dyaryo at mga diskwento sa mga kaganapan na ilulunsad ng tahanan. Maaaring magpunta sa aming website para sa iba pang detalye.

Sa bahay nagsisimula ang paglalakbay ng bawat Pilipino.

--

--

tahanan
Sa Bahay
Editor for

tahanan: enriching the lives and culture of Filipinos through reading, discovery and nurturing of the next generation