FULL TEXT: UP Diliman College of Science Recognition of Scholars Program 2024 Inspirational Speech

BA
The Barometer
Published in
4 min readJun 9, 2024

22 April 2024

Hello! Magandang hapon po sa inyong lahat. Ako po si BA, na naatasang makipag-chikahan sa inyo ngayong hapon. Salamat po kay Dean Ganni, at sa CEB sa invitation.

Gusto kong simulan ang kuwentuhan natin sa isang quote. Very inspirational, at lagi kong binabalik-balikan.

Minsan ay nahuhuli ang sarili na nag-aalala. Mga bagay na ‘di kontrolado pinoproblema.

Pero teka lang.

Meron bang humahabol sa’yo?

‘Di naman dapat matulin ang pagtakbo.

Sino bang nagsabi na kailangan mong mauna? Hindi naman ito karera, Puwedeng magdahan-dahan.

Sa bawat panibagong umaga, ang pagsimula muli ay isang tagumpay na.

Oh, huwag mag-alala buhay ay di karera.

Oh, dahan-dahan lang buhay ay di karera.

- Bini, 2024

Laging sinasabi sa atin ng mga teachers, mentors, at advisers natin na ang ating academic journey, or life in general, ay hindi isang karera. Ito ay isang marathon.

Kapag marathon kasi, kahit gaano man katagal iyan, basta matapos mo ang 42km panalo ka. Back when I was physically healthy, I used to run, and I also used to attend and watch yung mga 42km marathons.

Mayroong yearly event na ang tawag ay TBR Dream Marathon. It was a program kung saan nagtutulungan ang mga organisers at participants to get people running from couch to their first 42k.

And watching people complete their marathon whether it was under 3 hours, or beyond 6 hours, it was a sight to behold. Tuwing may dumadaan sa finish line, tinataas nila ulit yung ribbon para sa mga nakakatapos.

Pero hindi rin ganun kadali yun diba? Ang haba ng training, dahil mahaba ng takbo. Yes, puwedeng maraming slip-ups at pagkakamali in between, puwede kang madapa, mawala, mauhaw, magutom, malito. PERO, kahit gaano ka kabagal, basta maabot mo ang finish line, papalakpakan ka ng mga naka-abang sa dulo.

In my almost 2 decades dito sa Diliman, feeling ko hindi pa tapos ang aking marathon. Maraming beses akong nadapa, nawala, nauhaw, nagutom, nalito. May time din na natakot na hindi ako gagraduate.

Sa totoo lang, never kong naimagine na tatayo ako sa harap ninyong mga honor students ngayon. Hindi naman kasi talaga ako stellar na estudyante. Sa limang taon kong nag-undergrad sa UP, bilang lang sa isang kamay kung ilang beses akong umabot ng honors. Minsan lang ako pinalad na maka-attend sa ganitong event. At minsan na nga lang maging College Scholar, yung tanong pa lagi ng mga tao sa akin dati ay, “Scholar? Ano ibig sabihin niyan? Libre tuition mo?” (Nung panahon ko kasi hindi ko naabutan yung free tuition).

PERO, yung mga rare instances na umabot nga akong magka-honor, lahat yun, di ko nagawa on my own. Lalo na yung mga instances na kahit papaano nakapasa ako sa mga subject ko, YUN, hindi ko talaga nagawa on my own. It was either magaling magturo ang titser, o mas magaling magturo ang aking mga kaklase.

You heard me right, either magaling magturo ang titser, o mas magaling magturo ang mga kaklase ko.

Medyo weird pakinggan ano. Pero very fond memories for me yung mga time na hirap na hirap na ako sa mga subject ko noon and I was on the verge of failing many of them. In fact, throughout my journey naka ilang singko, incomplete, at drop at retake ako. Hirap na hirap ako mag-aral nun, na ngayong matanda ako nalaman ko na lang na dahil may ADHD pala ako. Takot na takot akong bumagsak, pero takot na takot din ako humingi ng tulong. Dumating ang point na wala na akong ibang malapitan kundi yung mga kaklase kong alam kong achievers. Alam niyo yun, yung mga achievers na katulad ninyo ngayong nandito sa harapan ko.

Nung una para lang naman “humiram” ng mga problem set. Wala eh, di ko talaga gets nun eh. But we found out na hindi hiraman ng mga sagot ang sagot. Pagdating kasi ng mga exams, projects, at presentations, kapag kinuha mo lang ang sagot kung saan, sa tao o ChatGPT man yan, mahihirapan at mahihirapan ka talaga kasi wala kang natutunan.

We eventually formed study groups: kaming mga bulakbol o mahina sa subject na maraming tanong, at mga achievers na CS at US na matalino at alam ang mga sagot. Pero imbes na deretsahang naghiraman at magbigayan na lang kami ng mga sagot, pinag-usapan namin nang maigi at pinag-aralan ang mga lessons, problem sets, study guides. Ito ay para masigurado naming lahat na natuto ang isa’t isa, ang nagtuturo man o ang tinuturuan.

Kahit papaano naman, nagbunga. Pumasa ako sa mga subject ko, naka-graduate, at nandito na sa harap ninyo ngayon.

Alam kong hindi ako responsibilidad ng mga kaibigan kong iyon. Kasi oras nila ang kinain ko eh. Pero looking back, napaka-grateful ko na pinagbigyan nila ako at tinulungan nung ako ay nangangailangan. A lot of them went on to continue to achieve multiple honors during their college career. Eventually, umabot sila ng latin honors sa graduation. Some took masters, PhD. Ngayon, all of them have their own wonderful careers.

At ako, naiwan dito, nasa harap ninyo ngayon, gumagapang pa rin at nagku-quote ng Bini. Kahit papaano, umuusad sa sarili kong - hindi karera - kundi marathon.

I’d like to think that most of you here are like my friends who helped me through my own struggles. Most probably a lot of you here are gifted, privileged, and hardworking enough para maabot ang mga matataas na grades at sunud-sunod na makakuha ng honors sa buhay nila.

BUT, Some of us here, like me, dahil sa tulong ng iba, sinwerte lang makapasa, at sinwerte rin sa minsanang honors.

I’d like to challenge all of you. Kung kaya niyo, sabayan, akayin, at tulungan ang mga kaibigan niyong nangangailangan.

Hindi niyo silia responsibilidad, yes, pero KAYO ang may talino, kakayahan, resources at pribilehiyo para matulungan ang mga wala rito ngayon sa recognition of honors.

Kayo ang may kakayahang tulungan ang mga kaibigan nating na-dehado sa marathon na tinatawag nating UP Diliman.

Kasi diba,

Wala namang humahabol sa’yo. Di naman dapat matulin ang pagtakbo.

Sino ba’ng nagsabi na kailangan mong mauna hindi naman ito karera puwedeng magdahan-dahan.

Congratulations po, at maraming salamat po sa inyong lahat.

--

--