Sa Bundok

Flash Fiction

Dorothy Abeleda
The LATHE Online
1 min readSep 20, 2020

--

Pinagbabawalan akong umakyat sa bundok malapit sa aming bahay. Sabi ng Inay noong bata pa ako, may mga tikbalang daw doon at naniwala ako kaya hindi ako kailanman pumunta rito.

Ngayong matanda na ako (kung matanda na ang 16) ay alam kong tinatakot lang ako ng Inay at hindi totoo na may tikbalang dito. Sumang-ayon ako noong pinagplanuhan na pupunta kaming magkakaklase sa bundok para sa aming video. May scene na kailangan ng “nature” look at sa amin lang may ganitong tanawin.

Hindi ko na sinabi sa Inay at baka hindi niya ako payagan. Nagpunta kami ng aking kagrupo at naghanap kami ng perfect spot para sa scene namin. Habang kami’y naghahanap, biglang sumigaw ang isa sa amin, mabilis kaming nagpuntahan sa direksyon niya. Maputla siya at nakaturo sa...

Tiningnan ko kung ano iyong tinuturo niya at tumigil ang tibok ng aking puso sa takot.

Wala ngang tikbalang sa bundok, pero mayroon namang mga bangkay na puno pa ng dugo.

#LATHEtirary

--

--