Sanal All

Flash Fiction

Nica Mae Montero
The LATHE Online
1 min readAug 30, 2020

--

Photo by Joshua Hoehne on Unsplash

Hindi mawala ang ngiti sa aking labi nang mag-post muli ang kaibigan kong si Luna ng picture nila ng boyfriend niyang si Leo. Gaya ng palagi kong ginagawa, pinupusuan ko lahat ng Facebook posts nila na may kinalaman sa isa’t isa. Halos lahat yata ng Fb friends nila, nasubaybayan ang kanilang love story. Lahat kasi ng ganap sa buhay nila, nakalagay sa facebook o kaya’y sa Instagram feed. Madalas din silang magpalitan ng “I love you” sa comment box na animo’y nang-iinggit.

Nakakainggit pero masaya naman ako para kay Luna. Magaan ang loob ko dahil base sa mga nakikita at nababasa ko, mukhang nasa maayos na kalagayan naman siya. Isa pa, mukhang mapagkakatiwalaan naman si Leo.
Nang makapag-react ako sa isang post niya ay natatawa akong nagtipa sa keyboard ng cellphone ko para mag-comment ng, “sanaol.” Umiiling kong in-off ang phone ko nang biglang tumunog ang messenger. Si Luna!

Luna Ramirez: Selene
Luna Ramirez: Tulong, Selene
Luna Ramirez: Na naman niya ako
Luna Ramirez: Selene
Luna Ramirez: Tumawag ka ng pu
Luna Ramirez: Lis
Luna Ramirez: Selene
Selene Alcazar: LUNA, ANONG NANGYAYARI?!
Luna Ramirez: Si Leo, Selene
Luna Ramirez: Sinasaktan —

fin.

--

--