Swipe Right

Poem

Nica Mae Montero
The LATHE Online
1 min readAug 30, 2020

--

Photo by Mika Baumeister on Unsplash

hindi naman ako desperada
nais ko lamang ibsan
ang bagot na nadarama
kaya naman
chinat agad kita
nang mag-match tayo
sa dating app na pula
nagkagulatan pa
nang mapagtantong pamilyar tayo
sa isa’t isa
minsan na palang nagkrus
ang landas nating dalawa
at ngayo’y muling pinagtagpo
ng mapaglarong tadhana.
ang bagot na nadarama,
napalitan ng kakaibang kilig at kaba
sa tuwing nakakausap kita
puso ko’y lumulundag sa saya
pasensya na,
alam kong sa tinder lang tayo nagkakilala
pero gusto na yata kita.

--

--