HugotHistory

Angela Obias-Tuban
The Redesign
Published in
5 min readOct 4, 2016

--

Disclaimer: Di po ako maalam sa history. In fact, kaya ko yata ‘to naisulat. Kasi ako mismo, alam ko na kailangan ko pang laliman yung pagkakaintindi ko sa mga bagay.

May kaibigan akong nagpunta ng Berlin.

Nakita niya ang mga natitirang labi ng Berlin wall. Sabi niya nakakakilabot nung una — tapos nakakalungkot.

Matagal na kong nagtataka: bakit ba ginagawan ng mga museum at monumento ang malulungkot na bagay?

Read this post in English, here.

‘Yung Dambana ng Kagitingan, yung Vietnam War Remnants Museum, ‘yung Auschwitz museum.

Akala ko dati ang main na purpose nila ay para maging tribute sa mga namatay para sa mga nakakalungkot at nakakapanghinayang na bagay.

Ngayon. Sa gitna ng mga nangyayari, sa gitna ng mga nagsasabi na WarOnTraffic naman daw kaysa puro WarOnDrugs, mga nagbubungguan na feature pieces tungkol sa mga troll, -tards at “bias”. Ngayon ko lang naintindihan bakit may mga monumento at bantayog ang mga karumal-dumal na bagay.

Ngayon ko lang na-realize na kung tunay na “mature” ang isang kultura o isang organisasyon, kaya niyang aminin, akuin at tayuan ng bandera ang malagim at maduming parte ng kaniyang pagkatao – at ipangalandakan ‘yun sa isang magandang paraan, para matuto ng leksiyon ang lahat ng mga henerasyon pagkatapos n’on.

Out of sight; out of mind

Kung binura lang ang Berlin Wall ng walang ka-expla-explanation — walang pupuntahan ang mga turista. Walang fi-field trip-an ang mga bata para maipakita ng mga guro at mas matatanda na “Ganito. Ganito ang nangyayari kapag… Kaya magtanda tayo, para sana wag na’ng maulit.

Kuha ng kaibigan kong si Ely, sa Berlin Wall memorial

Ano ba ang fini-field-trip-an ng mga bata sa Pilipinas?

Factory? Science museum? Art museum?

Okay naman nga. Wala akong problema dun. Pero napansin niyo, puro positibo, puro kagandahan.

Glad-washing

Sa isang bansang marami na nga naman kasing reklamo, siyempre gusto natin ang mga napapasyalan ng mga bata ay maganda, may magagandang ala-ala — rebulto ng mga kaaya-ayang kabayanihan — Rizal park, EDSA Shrine. Iisa lang ata ang tourist experience sa bansa na tunay na nagpapaalala ng isang massacre na hindi na sana maulit — Bataan. At ni hindi pa nga kapwa Pilipino ang nagdulot nung massacre na yun. Kaya siyempre mas madaling gawing tourist attraction.

Sa Cambodia, kayang bisitahin ng mga tao ang “killing fields” kung saan pinagpapapatay ng kapwa Cambodian ang mga kapwa nilang mamamayan. Isa siyang madugong paalala. Sa Germany, kayang bisitahin ang Auschwitz at museo ng mga gamit na gawa sa mga tinalupang tao ng mga German nung panahon ni Hitler.

Sabi ko talaga sa sarili ko dati “Ang kadiri ‘nun, bakit ako pupunta sa ganun, kung bibisita ako ng Europe?

Ngayon, alam ko na. Kasi ang tao mabilis makalimot.

At ang Pilipino, mas mabilis pa. Sa kaka-focus natin sa masaya, sa pag-“whitewash” (Gladwash?) at move on sa mga sarili nating pinagdaanan bilang isang bansa, nagkakaroon tayo ng mga henerasyon (tulad ko na lang) na ayaw harapin o pag-muni-munihan ang mga masasakit at masaklap na nangyari.

Isang suggestion: Ang mahalagang role ng Hugot

Dapat yung “Hugot” lines para mas may pakinabang gawing “HugotHistory”. Kasi may mga Hugot tayo bilang isang bansa na hindi hinaharap. Alam mo. Okay. Medyo naaliw ako dun. Kahit ako siguro (na laging tulog sa History class) baka mapabasa n’un.

Ang papel ng “Hugot” ay ilabas at gawing relatable ang mga masakit na pinagdadaanan ng isang taong nagmahal (at, fine, nasaktan).

Sa totoo, isa nga itong healthy “catharsis” malamang — isang pag-labas ng saloobin at paghanap ng karamay sa gitna ng kalungkutan (basta hindi lang lumampas sa pagiging papansin. Anyway.). Isa ring paraan na pagaanin ang loob hanggang umabot sa kaya mo nang tawanan ang pagharap sa “sakit”.

Hindi kaya kailangan din natin yun sa isang cultural level?

Naiimagine niyo ba ang araw na kaya na natin maka-relate sa isa’t isa pag may pinag-uusapang socio-economic problem o kaya welfare issue, ng parang kasing-dali ng usapang pag-ibig?

Tipong “‘Tangina, oo, ang sakit ‘nun no, yung hindi talaga tunay na karapatan ‘yung high school education, kasi ang nakaka-afford lang ng high school ay kalahating porsyento ng bansa”. Diba, tipong ganun? Or “Oo nga, hindi talaga dapat kinukuryente sa balls ‘yung mga tao, lalo na kung gumagana ng maayos ang justice system”. Mga simpleng ganun lang. Pasensiya na, ‘di ako witty so ‘di ko mapaikli ‘yung mga linya.

Ang mga pagkakamali mong di mo hinaharap at pinagmumuni-munihan, malamang uulitin at uulitin mo hanggang magtanda ka, tulad ng sa “love”. Ganun naman ang buhay; ganun ang tao.

Kailangan ata ng bansa natin ng therapy, isang mala-team building na experience na ipapaharap sa atin ang mga rurok ng pinakamaduduming aspeto ng pagkatao natin bilang isang grupo ng mga tao, pamilya at mamamayan — para mas aware tayo sa mga tendency nating mag-“fall” at maging wais tayo sa mga relationship natin sa isa’t isa, bilang Pilipino.

Seryoso ako dito — at kung meron man diyan gustong makipag-collaborate: illustrator, developer, manunulat, researcher, taong gustong mag-fund, paki-message niyo na lang ako, usap-usap tayo kung ano ang maganda at epektibong pwedeng gawin sa mumunti nating paraan.

Ang idea: Kaya kaya nating magtayo o magbuo ng isang memorial para sa mga pinakamasasama na nagawa ng Pilipino sa kapwa Pilipino?
Na hindi lang basta “art piece”, pero tunay na educational — kayang paisipin ang mga pupunta o bibisita (kesyo lugar man o website lang) ng kung paano nga ba nangyari ang mga ganun?

Originally published at www.angelaobias.com on October 4, 2016.

--

--

Angela Obias-Tuban
The Redesign

Researcher and data analyst who works for the content and design community. Often called an experience designer. Consultant at http://priority-studios.com