#UlyssesPH

Gobyerno at Masa: Ang dalawang tugon sa Ulysses

Gau Plaza
The Thirteenth Scholars
2 min readNov 12, 2020

--

May dalawang tugon ang pamahalaan kapag sinisira ng isang bagyo ang kabuhayan ng masa: tiyakin na napaghandaan ng mga mamamayan ang sakuna na ito at tulungan ang mga taong apektado.

Ilang oras mula nang nagawa ng bagyo ang kaniyang pinakamalaking pinsala, isa lamang sa dalawang gawain ang natupad ng gobyerno.

Noong Marso 21, ibinalita na ang Pilipinas ay mayroong 13.6 bilyong pisong pondo na nakalaan sa pagtugon sa kalamidad, ngunit, sa panahon ngayon na kung saan tayo ay tinamaan ng kalamidad, hindi makikita na ginagamit ang perang ito. Hindi natin makikita na sapat ang binigay na ayuda o mga rescue teams para iligtas ang mga taong napadpad.

Ang nag-iisang aksyon ng ating gobyerno sa panahon na ito ay ang pagsuspende ng klase at trabaho, na kahit hindi pa nasuspinde, wala naman talagang papasok sa kanilang trabaho o klase kasi ang prayoridad ng mga taong apektado ay manatiling buhay.

Ang isa sa mga pangunahing gawain kung may naturang kalamidad ay siguraduhin ang kaligtasan ng lahat. Ngunit dahil sa kakulangan ng mapagkukunan, umaasa ang masa sa administrasyon upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Gayunman, ay wala pa ring dumating suporta galing sa gobyerno pagkatapos ng pinsalang dulot ng bagyo.

Sa kasalukuyan, mayroon nang ibinalita na isang patay, tatlong nawawala, at 170,000 na tinagin at ang mga numerong ito ay tataas lamang sa bawat oras na lumilipas. At hanggang ngayon, hindi pa alam ng mga tao kung ano ang mga kailangang gawin, kung saan sila pupunta, at kung paano magpatuloy sa buhay.

Kaya marami na ang pumunta sa twitter upang humingi ng tulong gamit ang #RescuePH. Ang hashtag na ito ay binuo upang malaman ng mga lokal na pamahalaan kung sinu-sino ang kailangan ng tulong. Makikita natin na umaasa sa mga kababayan at lokal na pamahalaan ang mga tao dahil sila lamang ang may interes at kakayahan na tumulong sa kanila.

Ngayon, trending na #RescuePH na may daan-daang mga tao nag-tweet sa kanilang mga sitwasyon ngayon, nagpapakita ng mga larawan ng mga taong naglalakad sa baha na umabot na sa kanilang dibdib o mga taong dala-dala ang kanilang mga alaga na napadpad sa bubong. Meron din ibang nagpapakita ng suporta at ginagawa ang lahat upang matulungan ang kanilang mga kababayan.

Ang masa ay nagtutulungan upang suportahan ang isa’t isa, ngunit ang tanong natin lahat ay #NasaanAngPangulo?

--

--