Kampanya para sa bakuna, pinaiigting ng PSHS-CRC

Mariane Sabas
The Thirteenth Scholars
2 min readNov 11, 2021
Grapiks: Nathan Reuben Andres Osabe

Upang makamit ang kanilang layuning magbalik sa harapang klase sa Enero 2022, hinimok ng Philippine Science High School- Caraga Region Campus (PSHS-CRC) ang mga Grade 12 na iskolar at ang mga magulang nito na gawing prayoridad ang pagbabakuna bilang paghahanda sa planong pagdeklara ng “Pilot face-to-face classes” sa susunod na taon.

Base sa pahayag ni PSHS-CRC Director, Ramil Sanchez, ang implementasyong ito ay inerekomenda ng Board of Trustees upang maging gabay sa susunod na “in-person classes” ng kampus kapag aprobado na ng gobyerno.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng isang survey mula sa klinika ng paaralan tungkol sa pagbabakuna ng mga grade 12 na iskolar para sa paparating na “pilot implementation”.

Kung matutuloy man ang harapang klase ng mga Grade 12 ngayong Enero 2022, maraming pagbabago at polisiya ang dapat nilang sundin sa loob ng silid-aralan.

“They will be broken into 15 students each class, meaning for one section, there will be two occupied rooms and the teachers will have to go to the rooms alternately; but we will be using technology like a television in each of the classrooms,” sabi ni Direktor Ramil.

Para naman sa mga Grade 7- Grade 11 na mga mag-aaral, lubos na inaanyayahan pa rin ng campus na magpabakuna kahit wala pang sigurado na magkakaroon ng face-to-face sa susunod na taon.

“It’s not yet decided that the in-person classes will resume by next school year. But, what we’ve been preparing now is the pilot implementation, so that we would be able to learn from this pilot, on how the school particularly its campuses will implement when the government will make mandatory the in-person classes for all grade levels,” tugon ni Direktor Ramil.

Bago pumunta at magpabakuna sa mga itinalagang hospital ng lungsod: MJ Santos siguraduhing may dalang School I.D, Birth Certificate, at karagdagang dokumentong may pahintulot sa Pediatrician kung may comorbidities ang babakunahan.

--

--