Mga ‘dayo’ sa By the River, lumabag sa health protocols

Mariane Sabas
The Thirteenth Scholars
Feb 19, 2021

Inabisuhan na ng Local Government Unit (LGU) ng Butuan kamakailan lamang ang mga “dayo” sa Agusan River By the River na laging sundin ang minimum health protocols, upang maibsan ang mabilisang pagkalat ng virus sa siyudad.

Badya ng mga opisyal na, na-obserbahan umano nilang walang social distancing ang karaniwan sa mga ito.

Giit nila, na isa rin ito sa mga dahilan kung bakit dumarami ang mga naitatalang kaso ng siyudad.

Base sa pinakabagong ulat ng Department of Health (DOH) kahapon, nakapagtala ng walong (8) bagong kumpirmadong kaso ang lungsod ng Butuan at 37 recoveries nitong ika-17 ng Pebrero.

Pakiusap ng mga ito na, huwag kalimutan ang pagsuot ng face mask at face shield, lalong-lalo na ang pag-obserba sa social distancing kapag lalabas at pupunta sa pampublikong lugar.

--

--