Mga guro ng Pisay Caraga nakibahagi sa RACE Caravan 2021

Mariane Sabas
The Thirteenth Scholars
3 min readOct 28, 2021

Nagkaisa ang Philippine Science High School- Caraga Region Campus (PSHS-CRC) sa paglahok sa Requirement for Admission, Criteria and Evaluation (RACE) Caravan 2021 sa mga isla ng Socorro, Siargao, at iba pang bahagi sa Caraga upang makapanghikayat ng mga iskolar nito sa paparating na academic year 2022–2023.

Nangampanya ang mga guro ng Pisay sa iba’t-ibang sulok ng probinsya nitong Okt. 19–22 upang masiguro na ang mga residente ay mabigyan ng sapat na kaalaman patungkol sa wastong kalidad na edukasyon at benepisyo na maiaalok ng paaralan sa mga mag-aaral nito.

“The goal of the RACE this year is to have scholars from different provinces and municipalities. Thus, Pisay reached out Siargao/Soccorro to be a Game- Changer by its future scholars [Ang layunin ng RACE ngayong taon ay magkaroon ng mga iskolar mula sa iba’t-ibang probinsya at munisipalidad. Sa gayon, nagawa ng Pisay na umabot sa Siargao/Soccoro upang maging Game-Changer sa darating na mga iskolar nito],” mariing pahayag ni G. Nerry C. Nunez, Special Science Teacher- Agriculture.

“When we conducted the campaign in those places, most of the recipients heard Pisay for the first time. After we discussed the benefits and what Pisay can offer to its program, the teachers and students were very excited to avail the scholarship. Hopefully, we can produce scholars on those islands [Sa aming pangangampanya, iginiit ng mga tao roon na wala pa silang alam tungkol sa Pisay. Nung tinalakay namin ang mga benepisyo na ibinibigay ng programa nito, ay mas lalong naenganyo ang mga guro at estudyante na makilahok sa scholarship. Sana ay makakakuha kami ng mga iskolar mula sa mga isla na iyon],” dagdag na tugon ni G. Nunez.

KUHA NI: G. KEN WOOD SEGUNDINO

Dahil sa paghihigpit na dulot ng COVID-19, sa pamamagitan pa rin ng NCE-RACE kukuha ng mag-aaral ang Pisay sa paparating na bagong pasukan.

Katulad ng nakalipas na NCE-RACE, base pa rin sa aktibidad sa sanaysay at huling marka ng mga mag-aaral sa matematika at agham ang batayan ng pagpapili sa opisyal na iskolar ng kampus.

Ayon sa pinakabagong anunsyo ng PSHS-CRC, sa ika-29 ng Oktubre ang pinakahuling araw ng aplikasyon mula sa mga pribado at pampublikong paaralan ng rehiyon.

KUHA NI: G. KEN WOOD SEGUNDINO

--

--