Pakikibaka sa panahon ng pandemya ay hindi biro!

Trisha Lynn G. Francisco
The Thirteenth Scholars
2 min readNov 10, 2021
GPAPHICS LEANNE MEI SALANG

Tila huminto ang mundo nang dumating ang pandemya. Ang ating nakagawian noon ay para bang pangarap na lamang ngayon. Minsan naisip ko kung bakit nangyari ang pandemya sa panahong ito. Mahirap palang mawalan ng Kalayaan na lumabas, magliwaliw at mag laro sa lansangan. Kailangan natin sumunod sa mga palatuntunin na isiniwalat ng kagawaran ng kalusugan ng pilipinas upang mapigil ang paglaganap ng nakakahawang sakit.

Ayon sa Kagawaran ng kalusugan may kabuuang 1,245 healthcare workers’ ang nahawahan sa COVID-19, kung saan 27 ang namatay sa sakit sa Metro Manila noong Abril 27. Sa ngayon medyo humupa na ang bilang ng mga naapektuhan ng COVID-19 dahil sa pangkalawakang pagbabakuna ng mga tao lalong lalo na sa bansang Pilipinas.

Tulad ng aking lola ay isa ring frontliner at di maiwasang ako’y mababahala sa kanyang kalusugan dahil isa na rin siyang senior citizen datapwa’t akoý kampanti narin dahil siya ay nabakunahan na. Ipignadasal ko nalang sa Poong may kapal na sana isang araw ay babalik na sa dati ang takbo ng ating buhay na walang pag-aalinlangan at masaya kasama ang mahal natin sa buhay.

Sa ating kumunidad na nakikibaka rin ipinakita nila ang sensiridad sa pagpuksa ng nakahawang sakit sa pamamagitan ng pagsunod sa “health protocol” “social distancing” at “quarantine pass” ay ipinairal upang maiwasan ang pagkahawa. Para sa ating bayan at buong mundo “frontliner” huwag magsawang ipakita ang inyong katatagan at manatiling responsable upang hindi kayo madihado sa corona virus. Alam naming na kayo ay nahihirapan pero ipinagdasal naming ang inyong kalusugan na maging malusog at sa buong sangkatauhan.

Para sa ikinalugdan ng lahat ipairal natin ang kabayanihan sa panahon ng sakuna tulad ng pandemyang ito. Iwaksi ang pangamba at pag-aalinlangan para tumulong sa ating kapwa upang matugunan ang pangangailangan ng sangkatauhan. Dito ko mapagtanto na hindi lahat ng oras ay ating hawak lalong lalo na ang buhay ng isang tao ay hiram lamang at hindi alam kung hanggang saan ang hangganan nito.

Ang pandemyang hinaharap natin ngayon ay hindi biro. Sakripisyo ang inilaan ng ating mga “Fronliner”. Tiniis nilang mapalayo at mawalay sa kani-kanilang pamilya. Dito ko napagtanto kung gaano kahalaga ang kabayanihan ng ating mga “frontliner” buhay ang nakataya upang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa ating bayan. Bilang mamamayan kailangan natin silang pasalamatan at ipagbunyi ang kanilang katatagan sa pakikibaka ng pandemyang ito.

--

--