#UlyssesPH

State of Calamity sa Cagayan, idineklara

Mariane Sabas
The Thirteenth Scholars
2 min readNov 14, 2020

--

Isinailalim na sa State of Calamity ang Cagayan matapos ang matinding pagbaha sa 24 nitong bayan, dulot umano sa kasagsagan ng bagyong “Ulysses” kasunod ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam sa naturang lugar.

Ito’y kinumpirma ng pamahalaan ng naturang lalawigan ngayong Sabado, November 14, 2020, upang matugunan ang di umanong pinakamalawak na pagbaha na naranasan ng rehiyon.

“Nine have died in Cagayan so far, 24 towns and Tuguegarao City are inundated, affecting 84,257 people. We are trying to get all kinds of help that we can get. Please help us out in the relief and rescue operations,” sabi ni Gov. Manuel Mamba sa inereng interview sa PTV.

Sa kasalukuyan, patuloy pa umano ang pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam at posibleng abutin ng dalawang araw, kaya naapektohan ang mga lugar na hindi dating binabaha at kalimitang hindi naisama sa force evacuation na ipinatupad.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi raw inaasahang dadaanan ng bagyo ang rehiyon, at ang matinding pagbaha raw nito ay resulta sa magkasunod na bagyong dumaan tatlong linggo na ang nakalipas.

“The rainwater poured on the highlands and had gone down to the plains. The Magat Dam was also filled up and its releases had added to the water supply,” Pahayag ni Mark Timbal, NDRRMC spokesperson.

Bilang tugon sa kalamidad na nararanasan ng Cagayan, pinadalhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ng karagdagang rescue teams at air assets upang mag takda ng aerial inspection at support search, kabilang na ang mga rescue at relief operations.

Bukod pa rito, nagpadala rin ang NDRRMC ng personnel mula PCG, kasama na ang Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at ang Bureau of Fire Protection.

Sa ngayon, pagtutulungan at malasakit ang inaasahan ng mga nasalanta ng “Ulysses” upang maibangon ang kani-kanilang buhay sa sakunang kanilang natagamtaman.

--

--